Kabanata 6

543 16 6
                                    

Key 


"Malandi ka, sino ang kalaplapan mo noong birthday ni Maggie?" Bungad ko kay Julia nang makita ko siya sa hallway.


"Ha?" Gulong gulo niyang sagot, inirapan ko siya at hinila ang kanyang buhok, kalbuhin ko kaya ang babaeng 'to? 


"Tanga, nakipag-French kiss ka sa bar, kitang kita ng dalawa kong mata." Her forehead creased and she became more confused now than ever. 


"M-me? What do you mean I kissed someone? Putris." Sabi niya at biglang napatingin sa sahig na para bang nag-iisip kung niloloko ko ba siya o kung maniniwala siya sa sinabi ko.


"Oo, ano na 'day? Amnesia lang?" Nagulat ako ng bigla niyang sinampal ang sarili niya.


"Ano bang ginagawa mo, nababaliw ka na ba?" Pagalit kong sabi at hinawakan ang kanan niyang kamay dahil baka ulitin niya ang ginawa.


"Tangina, akala ko panaginip lang 'yon eh." Sabi niya at hinilot ang sentido


"Sino nga kasi 'yon?" Muli kong tanong pero nilagpasan niya lang ako. I was about to run after her when my phone rang, it's Ram.


"Bakit?" Bungad ko sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa classroom, it's still early but Im here already.


Dati ay sanay akong dumarating sa school ng mayroon na lamang ten minutes to spare bago mag-time, pero simula nang mag-usap kami ni Rico ay maaga na akong pumapasok. It's primarily because he wakes up very early for their routine, gusto ko rin kasi siyang maaabutan at makausap bago siya sumabak sa training. Oo, malandi ako. 


"Are you at school?" My forehead creased at his question, Ram is not the serious type, he always makes fun of me, we're that kind of friends. Sa tono pa lang ng pananalita niya ay alam kong may kakaibang ng nangyari.


"Yes, why?" I asked and continued walking until I reach our classroom.


"Do you have make-up that can, uhm." I sighed and realized what he meant.


"Nasaan ka?" Tanong ko at agad na naglakad palayo sa classroom.


"Canteen." He said and I ended the call.


My classroom is on the third floor while the canteen is on the ground floor, I walked as fast as I can to go down. Nang makarating ako sa canteen ay agad kong nilibot ang tingin ko sa kabuuan nito. Sa tagal naming magkaibigan ni Ram ay alam ko agad na siya iyon kahit pa nakatalikod.


The canteen staff are busy preparing food, Ram was seated on the right most corner, an area that not anyone can easily see. Agad akong dumiretso sa inuupuan niya at tumabi sa kanya.


"Nics." My lips parted a bit upon seeing him. May pasa siya sa gilid ng labi at mayroon din noon sa gilid ng kanyang noo. 

Above The Law (Country Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon