Help
"Kairita!" I am now walking back to my friends after that encounter with him.
Pakialamero!
"Oh? Bakit parang may umaway sayo? Sino? Ituro mo sasaktan ko tangina. Kami lang may karapatang umaway sayo." Nakakunot noong sambit ni Julia.
"Wala may epal lang. I attended to it already." Sabi ko na lang at kinuha ang shot glass na hawak ni Ram, ako na ang tumungga noon.
"Di mo pa ikot! Aba akala mo naman kung makainom eh nag-ambag." Asik niya sa akin.
I sighed and rolled my eyes. I took some thousands from my purse and placed it on his hands.
"Ano ba 'yan! Hina mo naman uminom, Lia akin na ang bote. Alam niyo namang ayokong nauuhaw itong kaibigan natin!" Sabi ni Ramon habang hinahanap ang Black Label. Bwisit.
"Come on, what are you not telling me?" Julia asked as we sat down on the couch. Ugh!
"Wala." Tipid kong sagot dahil ayoko na ring pag-usapan.
Sasagot at mangungulit pa sana siya nang lumapit at tawagin siya ng kaibigan niyang may-ari ng bar.
"Cholo!" Bati niya at nakipagbeso na roon.
Hindi ko na narinig ang pinag-usapan nila at patuloy na nairita. Punyeta naman kasi. Bakit ba nakakairita siya?
"Anak ng gago amputangina. Bar 'to bobo, bawal malungkot. Tanga-tanga ang bobo." I sighed as I heard her.
Lia may seem so prim and proper when it comes to other people, but with us, her friends, it is without a doubt that her mouth is good when it comes to cursing. Pasmado ang bibig ng isang ito.
"Tanga, maraming umiinom na malungkot." Paglilinaw ko.
"Di ko gets 'yung mga umiinom na nga malungkot pa rin. May alak na nga sa bituka mo tapos malulungkot ka pa? Aba'y tangina." Sinilip ko kung may laman pa ang bote ng wine sa lamesa, wala na. Iyon naman kasi ang kadalasang iniinom ng isang ito. Lasing na si gaga.
"Where are you going to sleep?" I asked her.
Nakapikit na siya ngayon at nakapatong pa ang isang kamay sa ulo.
"Tangina naman, Nic. Gusto ko lang naman maging masaya, bakit every time na masaya ako laging may kapalit? Hindi ko ba deserve maging happy?" Hindi niya pinansin ang tanong ko.
"Ganoon ang buhay, hindi pwedeng maging masaya palagi." Sagot ko at hinawakan ang ulo niya nang mas maging komportable siya.
"Eh bakit ganon? Ako? Ni minsan hindi sumaya. Siguro habambuhay na lang akong malungkot at mag-isa. Punyeta, tatanda yata akong dalaga." Dagdag niya pa.
BINABASA MO ANG
Above The Law (Country Series #2)
RomanceNicole Felize Sevilla dislikes having plans. Her goals are intact but she also believes that life is full of surprises. She's the hopeless romantic, supportive friend who always stood by the people she loves. The happy go lucky flight attendant meet...