Kabanata 3

869 31 16
                                    

Summer


Julia has taught me a lot about life. Mapaschool man 'yan, family, friends o simpleng pagpaplano para sa future, nandyan siya para umalalay.


Iba pala talaga kapag 'yung taong malakas nakikitang mong bigla na lang humihina.


"Ang weakshit ko pota." Sabi niya sa jeep nang makasakay na kami. Traffic na naman, what's new.



It's the first day after the Christmas break. They broke up last month. Hindi ko alam kung anong magiging take ko, basta ang sigurado, gago si Carson. 


"It's okay to be weak sometimes, breaking means growing." I know she'll get through this.


"Di naman ako pangit ah. Di rin naman ako entirely bobo, pero syempre ibang usapan na kapag math. Bobo talaga ako doon." She sighed at her own thoughts.


"Ang pangit pa nung pinalit sa'kin. Kamukha ni Shrek ampota." Imbes na maawa sa kanya ay natawa pa ako.


"Sa kamukha ka pala ni Shrek pinagpalit pero bakit ganyan ka makareact knowing na mas better ka?" Natigilan siya at hinarap ako.


"There's no such thing as better. It's difficult to understand why he had to cheat when we were already happy."


"Mapapatanong ka kung ano bang kulang sayo kahit alam mo namang wala." Tinusok niya ang kikiam at kinain iyon. Skill ang pagkain sa jeep.


"Hay pota, kaya ayaw ko ng love love na 'yan eh. Sakit sa ulo lang 'yan." She stopped chewing and faced me.


"Ayaw my ass, ang arte-arte mo kasi. Tatanda kang dalaga sinasabi ko na talaga sayo."


The school year passed by quickly. Hindi ko na sinabi sa mga kaibigan ko ang nangyari. Knowing Julia and Lia, they won't let it pass. It's going to be little secret between me and Rico. 


May iba pa rin naman akong kaibigan sa school, pero dahil nga sila ang kasama ko na mula JHS ay sila ang nandito sa bahay at nambubulabog. 



"Okay! La Union for summer!" Sabi ni Lia.


"Galing magyaya, puro drawing naman." Sagot naman ni Julia na nag-so-scroll sa cellphone niya.


"Tangina neto, kaya nga ako nagyayayang umalis dahil sayo. Pota 'yan." Sagot ni Lia.


"Oh? Bakit ako na naman, alam mo namang no work, no pay ang siste sa bahay namin. Wala akong pera." Sagot niya.


"Tanga, sinabi ko bang gagastos ka?" Balik ni Lia sa kanya.


"Sabi ko nga mag-impake na tayo. Ano pang inaantay mo? Nicole tumayo ka na gago." Hindi ko rin alam kung anong nangyari at biglang narito na kami sa sasakyan.


Girls trip daw ito, pero hindi ko alam kung bakit katabi ko na si Ram dito sa likod. Punyeta, sasama na naman siya.


"Yes! LU! Pakshet!" May dala siyang bag at basket na sa tingin ko'y may lamang pagkain.


"Hindi ka prepared sa lagay na 'yan ano? Kakasabi lang namin sayo 30 minutes ago tapos andami mong bitbit, hayop." Sagot ni Lia at ibinaba ang shades niya para makita ng maayos si Ram.


"Alam ko talagang one of these days magyayaya kayo, last week pa ako ready." Sabi naman niya.


"Lakas talaga ng hayop. Dinala ka lang talaga namin para may taga-bitbit." Sabi pa ni Julia at nag-umpisa na si Lia sa pagmamaneho.


Above The Law (Country Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon