Kabanata 1

1.7K 41 10
                                    

Stubborn


"Shet sis! Ang gwapo talaga nung basketball player sa nursing! Omg, 1st year na yata yun eh." Kinikilig na sabi ni Julia. 


"Eww, hard pass. Gurang na 'yan. Ayoko sa matanda." She rolled her eyes at what I said. 


"Dami mo kamong alam. Bwisit ka. Grade 11 naman na tayo, 2 years gap lang. Wag OA." She insisted. 


"Ewan ko sayo. Bilisan mo na nga, gusto ko na umuwi." Pagdadahilan ko para tumigil na siya sa kahibangan niya. 


"Tangina naman nito eh. Di na sasama mamaya tapos mamadaliin pa ako, parang tanga." Inirapan ako ni Julia habang naglalakad kami palabas ng school. 


"Gaga, alam mo nang may party nga si daddy." Julia has been my classmate since junior high school. Sabay kaming lumipat ng San Beda for SHS. We weren't technically close in 1oth grade but look at us now. 


"Ewan ko sayo, wala ka namang ginagawa roon eh. Sige na, Walrus na nga lang aayawan pa." She rolled her eyes at me when we reached the LRT gate. 


Nagtap na kami ng ID para makalabas. The guards also checked our bags. Di ko gets kung bakit kailangan pa noon, mukha ba akong mag-uuwi ng aircon?


"Sana all may picture pag nagtatap ng ID." She flipped her hair and faced me. 


"Ganoon talaga pag maganda." She answered back. She's part of the student council, kaya importante na kilala sila ng school authorities. 


Julia looked at her watch and pulled me towards the LRT entrance. Hinahabol kasi namin ang free ride. Mahirap ang buhay, dapat matutong magtipid. Hindi naman kami mayaman ni mommy. Her online shop earns just fine for the both of us, pero kung wala ang sustento mula kay daddy ay pareho kaming mahihirapan. 


"Ram!" Julia shouted and Ram turned his gaze to us. He's already standing on the platform. 


"Ano ba naman 'yan Julia. Bakit nagdadala kang gasul, baka sumabog." Here they go again. 


"Ah punyeta, mga hangal." They laughed at my remarks. Alam ko naman na kahit lagi nila akong inaasar ay mahal nila ako. 


Im not that short, not that fat too. Sakto lang naman kung titingnan. Pero malakas lang talaga ang trip ng mga kaibigan ko. 


"Kamusta na si Lia?" Ram asked as we went inside the train. 


"Ayun, nakalipat na sa condo niya. Sabi naman ni mommy sa kanya pwedeng sa bahay na lang tumira eh. Kaso mas gusto niya raw na malapit sa UST na lang magstay." Lia's my one of best friend and she studies in UST. Marami akong kaibigan, legit sa dami. But I keep my close circle small. 


"Di 'yan sasama sa Katipunan mamaya. Bwisit 'yan eh." Pagsusumbong ni Julia kay Ram. 


Above The Law (Country Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon