AKALA

0 0 0
                                    

𒊹︎︎︎(:::errors ahead:::)
𒊹︎︎︎/p͟l͟a͟g͟r͟i͟a͟s͟m͟ i͟s͟ a͟ c͟r͟i͟m͟e͟/

Ako'y nakatulala
Sa mga nag gagandahang tala.
Sa aking isipan
Isang piping hiling
ang nais mitlangin.

Ika'y nais makasama
Hanggang dulo, hanggang pag tanda.
Hawak ang iyong kamay
Aking puso ay inaalay
Na ika'y makasama habang buhay.

Ngunit ng aking imulat ang aking mga mata
Saganang luha
Ang tumutulo sa aking mukha
Luhang kumikislap sa liwanag nang mga tala.

Kabaliktaran ng sa iyo
Iyo'y puno ng saya at pag kontento
Samantala'y akin puno ng sakit
At inggit.

Naka tunghay sa mga masaya
Mong ngiti at mata
Matang puno ng pagmamahal
At pag aalaga.

Nakakalungkot lang
Kasi akala ko, ako lang.
Yun pala, puro akala lang.

Akala ko, ako na
Akala ko, sapat na
Akala ko, walang ng iba
Yun pala, may bago na.

Pinatay ako
Ng mga pangako mo
Pangako mong napako.

Pinatay mo ako
Pinatay mo ang puso ko
Na ikaw lang minamahal ng totoo.

Naiinggit ako
Kasi pano mo nagawang maging masaya
Habang ako
Eto, eto lang pilit na nagiging masaya
Para sayo.

Pinipilit ang sarili na
Ika'y akin pa.
Pinipilit ang sarili na
Ika'y pag mamay-ari ko pa.
Pinipilit ang sarili na
Ako lang iyong mahal
At walang iba.

_________________________________

POEMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon