CHAPTER 26

805 16 2
                                    

Agad naman akong lumapit kay Ash na nakatunganga lang habang naka-tingin sa'kin.

“Saan ka ba galing? Kanina pa na'min ‘yan hinihintay.” malamig na tugon niya sa'kin.

“I’m sorry please, ito na nandito na.” agad na bigay ko sa kanya ng dokumento pero hindi nito tinanggap.

“Wala na, paano pa na'tin ‘yan maibabalik? Huli ka na!” sigaw sa'kin ni Ash. Napatingin naman sa'min ang ibang employees kaya napa-yuko nalang ako dahil sa hiya.

Alam ko pasensya na, kasalan ko na!

Ash, calm down.” hila sa kanya ni Ally. “I’m sorry, Garrette. Siya kasi ‘yung nautusan na kausapin ‘yung investor, kanina pa siya nag-hihintay sa'yo na maibigay ‘yang importanteng dokumento pero...huli ka na eh.” mahabang paliwanag sa'kin ni Ally.

“I’m sorry, I didn't mean it.” yuko ko habang pinipigilang tumulo ang luha ko.

“Paano ‘yan? Ano ba kasing ginagawa mo?!” malamig na tanong sa'kin ni Ash.

“M-may kinuha kasi ako sa parking area kaya iniwan ko muna ang pini-print ko sa Xerox room.” nahihiyang sagot ko. “Then pag-balik ko basa na lahat.” dagdag ko pa.

“Yan! Imbes na tapusin mo muna at hintayin na matapos iyon, iniwan mo!” sarkastikong sigaw niya sa'kin.

Sigaw-sigawan mo ako dito ha, rurupok kadin!

“Ashanthy!!” sabay na saway nila Yass at Ally!

Sorry na.

Mas lalong yumuko ako dahil sa hiya, pinagtitinginan na kasi kami ngayon.

Hindi ko naman sinasadyang iwan doon eh.

“X-xi, paki-bigay sa'kin n-nong details ng investor.” pinatatag ko ang loob ko para hindi matuloy na tumulo ang luha ko.

Naupo na si Ash sa upuan niya at hindi niya pinapansin ang presenya ko.

Naiintindihan kita ‘kung bakit galit na galit ka. I’m really really sorry.

“Okay, Sec.” agad na bumalik sa table ni Xi at sinend sa'kin ang lahat ng details ng investor. “Nasend ko na sa email mo.” ngiti sa'kin ni Xi.

“S-salamat.” agad na tugon ko bago naglakad paalis. Nadaanan ko ‘pang nagpipigil ng tawa si Ami kaya hindi ko na siya pinansin.

May araw ka rin!

Sabay tulo naman ang luhang pinipigilan ko kanina ng nasa hallway ako kaya agad kung pinusan ito bago pa makita ng iba.

Tumakbo ako pabalik sa room pero wala doon si Lei kaya agad ‘kong kinuha ang laptop ko bago tumakbo pa-deretso sa meeting room.

Gusto ‘kong tumambay dito dahil tahimik masiyado.

Binuksan ko na kaagad ang laptop ko para tignan ang sinend ni Xi na link. Pinindot ko na iyon kaya napunta sa account ng isang company. Bumuntong hininga muna ako at pinunasan ang luha sa mga mata bago nag-suggest ng video chat sa kanya.

Ilang minuto pa itong nag-ring bago niya sinagot.

“Hey, sir.” naka-ngiting bati ko sa kanya.

“Hi, who are you?” nagtatakang tanong niya.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita muli. “Sec. Garrette Chin sir, from Watson Interpreneur Company.” nakangiting sagot ko.

“I’m sorry, binabawi ko na ang malaking share na ibibigay ko sa inyo.”

The Ceo Secretary ( #1 )Where stories live. Discover now