CHAPTER 29

769 16 1
                                    

Binigay na sa'kin ni Lei ang hawak na bulaklak bago ako hinalikan sa noo.

“Now you're mine.” ngisi niya sa'kin.

Nanunuya ko naman siyang tinignan.

Natupad mo na'rin ang pinapangarap mo haha.

Now take care of me, because I am into you.

Bumalik naman na ako sa table namin, nandon na'rin sina mama at CL.

“Congrats anak,” yakap sa'kin ni mama.

OA talaga ni mama.

Linapitan naman kaagad ni CL si Lei habang may binubulong pa.

“Sana all, talaga. Akalain mo ‘yun,” parinig nila sa'kin.

“Xi, kelan ka magtatapat kay Allyson?” naka-ngiting tanong ko.

“Shut up, Jupiter!”

“Hanggang sa maging handa na siya.” ngisi sa'kin ni Xi.

Kailan ka pa naging matapang, ha?

“Pa’no ‘kung ready na pala siya?”

“Pwede ba Garrette, ako na bahala.” taas-kilay na sabi sa'kin ni Xi.

“Mahina ka kasi.” iling ko pa.

Marami ng kumuha ng pagkain sa gilid kaya sumunod naman na ang mga kaibigan na'min.

“Next part of our celebration is pool party, you can wear your own swim suit! Let's swim all!” sigaw ng emcee bago bumaba sa stage.

Lumapit naman sa'kin si Lei sa table kaya sinalubong ko ng tingin.

“Do you want to swim?” nakangiting tanong niya ng makalapit sa gawi ko.

“Later nalang, kukuhanin ko muna ang pamalit ko sa kotse.” paalam ko sa kanya.

“Samahan na kita.”

“No, malapit lang naman.” pigil ko pa.

“Are you sure, love?”

“Yes.” ngiti ko sa kanya bago linagkok ang wine sa baso.

“Faster, okay?” ngiti sa'kin.

“Okay, boss!” ngiti ko sa kanya na animo'y lasing na bago tumalikod.

Sa may pool nalang ako dumaan dahil marami ng tao ang nasa gitna baka maiipit pa ako.

Sarap sa dibdib ngayong gabi.

Nakakagaan sa puso.

After ng kainan uuwi na sila mama, ayaw niya ng masiyadong nagpupuyat. Pati si CL mas gusto niya sa bahay kesa mag-gala sa ‘kung saan-saan.

Naglalakad na ako ngayon sa pool habang may ngiti pa sa mukha. Hindi ko maiwasang ngumiti dahil pinaghandaan talaga niya ang gabing ito.

Hahakbang pa sana ako ng may biglay naka-sagi sa'kin kaya na out balance ako at natumba sa may pool. Napaangat ako kaagad para makahabol ng hininga pero bigla akong napatingin sa suot ng bumakat sa may dibdib ko. Agad ko ulit linubog ang sarili. Marami ng nagkakagulo at napapatingin sa'kin kaya nasilayan ko ang tumatakbong Lei na palapit sa gawi ko kasama ang mga kaibigan na'min.

Tangina naman!

Sumunod naman na sila mama na may nag-aalalang tingin.

“Garrette!” sigaw ni Lei sa'kin.

Nahulog ako, hindi ako maliligo na ganito ang suot!

Humakbang ako pero ‘yung heels ko tumatabingi kaya linubog ko ang sarili at agad na tinanggal ang heels. Tumalon na'rin kaagad si Lei para ma-alalayan akong umakyat.

The Ceo Secretary ( #1 )Where stories live. Discover now