CHAPTER 40

757 18 1
                                    

Umupo naman na si Lei sa dulo ng table gitna namin ni Callih kaya mas lalo lang akong nailang at kinabahan ng usto!

Sana nalaman ko kaagad na dito pala kayo, edi sana umalis na ako kaagad.

Tinupi niya ang polo hanggang siko at binuksan ang tatlong botones bago sumandok ng kanin. Kumakain na'rin si Callih sa harap ko at taka siyang nakatingin sa'kin.

“Hey, kumuha ka na!” natatawang utos sa'kin.

Teka lang, nagdadasal ako, nyeta!

“Ah o-oo.”

Sumandok na ako ng kaunting kanin at kaunting ulam na linuto ni Callih.

“Mabubusog ka na niyan?” taas-kilay na tanong ni Lei sa'kin.

Gulat naman akong napasulyap sa kanya pero hindi ko siya tinignan sa mata.

“Hindi ako gutom.” tipid na sagot ko.

Pero sa totoo lang, gutom na gutom ako!

“Dito karin pala nakatira.” biglang tanong ni Callih.

“Yes.”

“Ikaw 'yung secretary ni, Lei?”

Hindi si, tanda.

Tumango nalang ako bilang tugon.

Pag ako nabilaukan dito...humanda ka!

“Dito muna ako titira pansamantala, ha?”

“Of course, 'kung gusto mo dito ka narin tumira—este...s-sa kwarto k-ko hehe. Aalis nalang ako m-mamaya!”

Nakakahiya naman sa inyong dalawa.

“No, no need to do that. Sa kwarto nalang ako ni Lei matutulog.” biglang sagot niya kaya nalunok ko ng buo ang manok.

S-sa kwarto ni L-lei?

“Okey.” tipid na sagot ko.

Bakit ako naapektuhan?

Wala naman na akong pakealam sa kanila ha, fiancee ni Lei si Callih kaya malamang pwede na silang magkatabi matulog.

Wala naman akong pakealam 'kung anong gagawin nila, pero bakit parang ang sakit naman ata sa bunbunan ko. Haha chos.

Nakikinig lang sa amin si Lei at siguro naiinis na sa'kin dahil bakit pa ba ako nandito? Eh para sa kanilang dalawa naman na ata itong room.

Nagmuka pa akong third wheel.

“Do you have boyfriend?” biglang tanong ni Callih sa'kin kaya nasamid ako bigla sa iniinom.

“Hehe wa—!”

“Of course, she have.” putol ni Lei sa sasabihin ko at tumawa siya na parang naiinis!

Wala, uy.

“Of course sa ganda 'mong 'yan, nakuu.” iling ni Callih.

“Maganda karin naman, eh.” ngiwi ‘kong sagot habang pinagpatuloy ang pagkain.

Promise di na ako sasabay sa'yo hayup ka, ini-interview mo ako eh!

“Iniwan naman.” sabay sulyap kay Lei. “Joke!” bawi niya kaagad.

“Sino naman?” takang tanong ko.

“Actually, Lei is my ex-fiancee.” kwento na niya.

I was immediately stunned by what he said but I didn't show that I was curios to the two of them.

The Ceo Secretary ( #1 )Where stories live. Discover now