Oh, kay gandang pagmasdan
Ang iyong mga mata
Kumikinang-kinang
'Di ko maintindihanHi Angelica, pasensya kung itong sulat lang ang maibibigay ko. Habang inaayos ko ang mga letra at salita para sa sulat na ito, naalala ko ang iyong mga mata. Ito, para sa akin, ang isa sa mga hiwaga ng mundo. Dahil paanong sa mata mo ay nakikita ko ang libo-libonng bituin? Paanong sa mata mo naroon nakasulat ang mga pangarap at mithiin ko sa buhay.
Ang iyong mga tingin
Labis ang mga ningning
Langit ay bumaba
Bumababa pala ang talaMga mata mong hawak ang buong daigdig, na kapag tumatawa ka ay parang lumulutang din ako sa saya. Ang mga mata mong bumihag sa puso ko, kasi ito, Angelica, ang pinakamagandang tanawin. Ang makita kang nakatingin sa'kin bago ako lumingon sa iyo. Ang makita kang tumatawa sa mga biro ko. Ang makita kang umiyak sa kasiyahan kapag kasama mo ako. Ang makita kang nakatingin sa akin, na para bang ako lang ang nakikita mo.
Tumingin ka sa aking mga mata
At hindi mo na kailangan pang
Magtanong nang paulit-ulit
Ikaw lang ang iniibigKapag sa mga oras na nagdadalawang-isip ka sa damdamin ko para sa'yo, tandaan mong ikaw lang ang pipiliin ko. Gusto kitang samahan sa pagtanda, sa pag-alaga ng aso o sanggol o kahit na ang dalawa pa, at gusto kitang makasama hanggang kamatayan. Sabi nila mortal ang pag-ibig, kung kaya't nawawala ito kapag nawala ka na din sa mundo. Pero tandaan mo Angelica, ang pag-ibig ko sa'yo ay hanggang kabilang-buhay.
At kung 'di kumbinsido'y magtiwala ka
Hawakan ang puso't maniwala
Na ikaw lang ang s'yang inibig
Ikaw lang ang iibiginHahanapin kita sa bawat buhay at patutunayan kong ikaw lang, dahil ikaw lang talaga, ang iibigin ko. Nakasulat na ang pangalan mo sa buong pagkatao ko at ikinagagalak ko iyon. Dahil alam kong ikaw lang Angelica. Sa bawat umaga ay ikaw ang dahilan ng gising ko. Sa bawat gabi ay hinihintay kita sa mga panaginip ko.
At sa iyong paglalambing
Ako ay nahulog din
'Di ko alam kung ano ang gagawin
'Di ko alam kung saan titinginSa bawat yakap at haplos mo, mas nahuhulog ako sa'yo. Dahil para bang isa akong mahalagang bato sa maingat na paghaplos mo. Ipinaramdam mo sa akin ang mga emosyon na hindi ko inakalang mararamdaman ko. Ni hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Halik sa labi
Tinginan natin
'Di akalaing
Mahuhulog ka sa 'kinNahulog ka nga. Masaya ako at naging tayo, kahit na ilang buwan lang. Masaya ako at naiparamdam ko sa iyo kung gaano ka kahalaga sa akin — hanggang ngayon. Masaya ako't naikot ko ang daigdig na nasa mga mata mo. Masaya ako at naranasan kong lumutang kasama ka at mamuhay sa sarili nating mundo. Naging masaya ako sa mga buwang kasama kita na kahit na sa panaginip ko'y naghihintay ka. Naging masaya ako dahil naging tayo. Naging ikaw at ako.
Tumingin ka sa aking mga mata
At hindi mo na kailangan pang
Magtanong nang paulit-ulit
Ikaw lang ang iniibig.
Ikaw lang ang iibigin ko hanggang sa kabilang-buhay. Pero panahon na upang palayain ka. Sana ay maging masaya ka sa piling niya. Sana ay makita niya rin ang mundo na hawak mo sa mga mata mo. Sana ay lumutang din siya sa saya kapag tumatawa ka. Sana ay pupuntahan ka niya sa panaginip mo. Sana ay maging masaya ka, dahil ang pag-ibig ko sa'yo ay hindi magwawakas. At ang kasiyahan mo ay ang kasiyahan ko.
Mahal kita.
--------------------------
No proofreading.
BINABASA MO ANG
just something
Romancescenarios that pop into my mind at 2 o'clock so instead of obsessing over thoughts, i decided to write them down