Chapter 19

50 4 0
                                    

Pagdating ng weekend, muli kaming nagmeet ni Angelina via online. Masaya ko siyang binati kahit sinisimangutan ako. Masama yata ang gising ng bubwit, at halos hindi nga sumasagot sa mga tanong ko. Nang matapos ang pagtuturo ko ay tinanong ko siya. "Anong nangyari at kanina ka pa nakasimangot?"

Mas lalong tumaas ang nguso niya, "Si Kuya Aries kasi, hindi pa rin dinadala si Ate Angela rito sa mansion para makilala ko siya ng personal."

Napangiwi ako, akala ko kay laking problema. Ang sarap sabihin na hindi pa nakakapuntos ang Kuya niya at nakaw tingin pa rin hanggang ngayon.

"Maaaring busy ang Kuya mo. Intindihin mo muna."

"I hate him! I want to see Ate Angela right now!" Nagsisipa na siya at sinusuntok ang hawak na teddy bear. Shet! Ang wild.

"Kalma ka lang. Kawawa naman ang stuff toy mo!"

"Nakakagigil kasi si Kuya. Humanda siya sa'kin pag-uwi niya rito." Patay ka Kuya Aries. Ipagdadasal ko na ba siya? Iba pa naman magalit ang mga bitch, hindi ka uuwing walang galos at dugo sa mukha.

May ideya ang pumasok sa isip ko. Pareho sila ni Aries na obsess kay Ate, malamang bibili rin siya. Wala namang masamang magbenta ako ng picture ni Ate kay Angelina kasi kapatid naman sila ni Kuya. Nangako kasi ako na siya lang ang pagbebentahan ko ng pictures ni Ate Angela.

"Angelina gusto mo ba ng soft copy ng pictures ni Ate Angela?"

Napatigil siya sa sinabi ko at sumeryoso ang mukha. "Meron ka?"

Tumango ako na ikinakinang ng kaniyang mga mata.

"Send it to me right now!"

Ang bilis ha, walang paligoy-ligoy.

"Teka lang muna, bayad muna bago picture. Walang libre ngayon."

Tumango-tango siya at tinawag ang kaniyang butler. Ang bilis niyang kausap, magkatulad talaga sila ng Kuya niya. Kapag talaga si Ate ang usapan lahat ng pera lumalabas. Napangiti ako ng malawak habang nakatitig kay Angelina sa screen. Pera na naman 'to!

Kamakailan din ay nabudol ko si Kuya Aries, nagtanong kasi siya tungkol sa naririnig niyang Bitchy Rules ni Ate Angela. Kahit mahal ang mga impormasyon na lumalabas sa bibig ko ay pumayag pa rin siya. Sana lang hindi ako mahuli ni Ate Angela na ako ang tumutulong kay Kuya Aries. At sana lumayag na ang barko nila para mabigyan ng hustisya ang buwis buhay kong serbisyo.

Matapos ang isang linggong suspension ay balik trabaho na naman ang cute na tulad ko. Wala pa akong nahahanap na trabaho kaya mamayang hapon ay lalabas ako ng school para humanap sa labas.

Nakangiti akong pumasok sa cafeteria. "Good morning. Nandito na ang cute niyong si Rockie!"

"Rockie!" Dinamba ako ng yakap nina Ina at Joy. Nakangiti namang lumapit si Kris sa'kin.

"Ang haba ng pahinga mo," sabi ni Joy.

"Pahinga ang tawag sa suspension! Nakakainis nga bawas ang sweldo ko."

Bigla akong tinitigan ng tatlo.

"Bakit?" tanong ko.

"Pumayat ka," komento nilang tatlo.

"Sinong hindi papayat? Wala akong libreng pagkain last week!"

"Lagot ka kina Chef kapag nakita kang pumayat," panakot ni Ina.

"Hindi ko kasalanang pumayat ako!" Makapanakot namang itong si Ina parang babalatan ako ng tatlong Chef.

Nang tinawag na kami para mag-agahan ay mabilis akong pumasok sa dirty kitchen. "Hello po!" bati ko sa tatlong chef na abala sa paglagay ng ulam sa mesa.

Rockie, At Your Service (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon