Mahigit isang linggo na akong hindi umuuwi ng campus kahit ilang araw na ang nakalipas matapos ilibing si Rey. Saktong may laro si Aize kaya hindi ko na siya muling nakita pa. Si Ate Angela naman ay dumalaw ng ilang beses at kasama ko sa araw ng libing at hindi na nasundan pa.
"Rockie."
Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko.
"Doc Peter."
Pumasok siya at umupo sa gilid ng kama.
"Hindi ka pa rin ba babalik sa Lincolnshire?" tanong niya.
Ilang araw na akong nag-iisip kung mananatili o babalik doon. Tumatakbo ang oras ng lahat ng batang nandito at ayaw kong maulit ang nangyari kay Rey, ang wala ako sa tabi nila. Lahat pwedeng matulad sa nagyari sa kaniya, kaya nagdadalawang-iisp ako. Hindi ko alam kung sino ang susunod kaya gusto kong masulit ang bawat araw na kasama ko sila.
"Rockie, ayos lang naman ang mga bata rito. At may mga taong naghihintay sa pagbabalik mo roon."
"Mas importante po sila kaysa sa mga taong nandoon sa Lincolnshire."
"Mas importante nga ba?" Nakataas na ang isa niyang kilay na may pagdududa. "Ilang beses kitang pinagsabihan pero sa huli nagmamakaawa kang manatili at magpatuloy sa pag-aaral mo."
"You have to strong, hindi lang ang mga bata rito ang may problema."
"Ano po ba ang dapat kong gawin?"
Ngumiti si Doc. Peter at niyakap ako.
Kailangan kong gawin ang ipinangako ko kay Rey, kahit mahirap gagawin ko.
Nakumbinsi nila akong lahat na bumalik. Sinalubong ako ng yakap ng staffs ng cafeteria at kahit si Manager. Maaaring narinig nila ang nangyari galing sa buong team na nasundan ako sa araw na 'yon. Kahit sina Michael, Kuya Jack at Aries ay niyakap ako nang magkita kami sa mini forest kamakailan. Ang buong team naman ay ramdam ko ang awa niya at simpatiya pero hindi ko kailangan ito kung mula naman sa kanila.
Nasauli ko naman ang hiniram kong motor st nagabayad sa nstanong gasgas sa pagkakaaksidenteko. Akala ko magagalit ang lalake dahil matagal kong nasauli ngunit naintindihan naman niya ang sitwasyon ko. Gwapo nga eh, sayang hindi ko nalaman ang pangalan, hinila na kasi ako ni Aize nang mapansin niyang naglalaway ako sa taong kausap.
Naging abala ako sa paghabol ng mga na miss kong mga lessons at activities. Naging abala rin ang buong team dahil sa nalalapit na Sports Fest.
Kasalukyan akong nasa library, nakaupo ako sa pinakatagong bahagi. Inaasikaso ko ang research ko sa isang major subject, matagal ng tapos ang deadline nito pero ngayon ko palang aasikasuhin dahil sa pag-absent ko.
"Hiding again."
Napatingala ako sa taong sumandal sa gilid ng malapit na bookshelf.
"Aize, paano mo nalaman na nandito ako?"
"Alam ko lang," ani niya at hinila ang kaharap kong upuan para umupo.
"Wala ka ng klase?"
"Katatapos lang." Nang tuluyan na siyang nakaupo at nakangiting humarap sa akin. "Mommy, miss you. Tuwing tumatawag siya hinahanap ka agad."
Napangiti ako ng kaunti. "Kumusta na siya? Miss ko na rin siya."
"Gusto mo bang puntahan sila ngayong weekend?"
Napaisip ako saglit bago mahinang umiling. "Hindi ko yata kakayanin tapusin lahat ng nakatambak kong gawain para magkaroon ng oras sa weekend."
"Gano'n ba, sige sa susunod na lang."
BINABASA MO ANG
Rockie, At Your Service (Under Revision)
Teen FictionLincolnshire Series 2 Meet Rockie ang dakilang rakitera ng Lincolnshire University. Isang dalagang tumatanggap ng iba't-ibang klase ng trabaho basta legal para magkapera. Sa murang edad binubuhay na niya ang sarili at sinasabay ang kaniyang pag-aara...