Chapter 29

44 5 0
                                    

Habang nag-aayos ako ng gamit ay muling may kumatok sa pinto. Pagbukas ko ay sumalubong sa akin ang malawak na ngiti ni Aize habang may hawak na malaking tray na naglalaman ng mga pagkain.

"Bakit ka nandito?" nagtataka kong tanong.

"Sasabay kumain sa'yo. Pwede ba akong pumasok?"

Nakakunot ang noo kong pinapasok siya sa loob. Napatigil pa siya nang makita ang kumot kong tinatakpan ang kurtina na manipis sa bintana.

"Aize, bakit hindi ka kumain kasama nila?" tanong ko at umupo sa kama.

"Gusto kong kasama ka," sagot niya at isa-isang nilapag sa maliit na mesa ang mga dalang pagkain.

"Sinabi ko naman na busog pa ako."

Tumaas ang isa niyang kilay. "Lunch pa ang huli mong kain, hindi ka nga nagmiryenda."

Alam niya talaga lahat ng kilos ko.

Hinila niya ako at pinaupo sa upuan. Pinagsaluhan namin ang dala niya at nagkwentuhan.

"Bakit tinakpan mo ang bintana. Masarap kaya ang simoy ng hangin. Pinakiusapan ko pa si Captain na bigyan ka ng kwarto na matatanaw ang magandang view ng dagat."

Napakagatlabi ako sa naging tanong niya. "Hindi ko gusto ang beach, Aize," bulong kong pagkakasambit pero rinig na rinig niya.

Ilang minuto siyang hindi nakapagsalita habang nakatitig sa akin, na para bang pinipilit niyang iniintindi ang sagot ko. "Okay, I understand."

"Thank you, Aize."

"I'm always here, Rockie."

Pagsapit ng madaling araw ay agad akong nagpaalam na umalis na. Ihahatid pa nga sana ako ni Aize pero hindi ko na tinaggap. Didiretso na kasi ako sa pupuntahan kong lugar at ayaw kong malaman niya ang tungkol doon.

Buong semestral break ay nanatili ako sa lugar na pinuntahan ko. Kinukumusta naman nila ako at palaging tumatawag si Aize araw-araw. Pinipilit pa nga ako ni Kuya Lev na magpakita na sa pamilya at sumama sa kaniya sa family gathering sa mismong mansyon ng Prinstein. Hindi naman ako tanga at marupok sa ganiyang usapan.

"Ate Rockie!"

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at isa-isang pumasok ang mga bubwit. Ang pinakabata sa kanila ay si Gena at ang pinkamatanda ay si Lara na kinse anyos.

"Hello!"

Dinamba nila ako ng yakap na parang mga unggoy kung makakapit.

"Aalis ka na po ngayon?" tanong ni Gena.

"Oo, pasukan na kasi."

Naging malungkot ang kanilang mga mukha. "Babalik ka naman po diba?"

"Oo naman."

Napuno ng tawanan at ingay ang buong silid dahil sa mga batang kilala ko rito.

"Ate ano po ang pangarap niyo?" biglang tanong ni Alec na ikinatigil ko.

Mapait akong ngumiti sa kaniya. "I want to live happily."

Gaya ko ay ngumiti sila at tumango. "Me too!" sigaw ni Oli.

"We all want to live that way but sometimes we can't."

Lahat kami napalingon kay Rey na seryosong nakasandal malapit sa bintana. Nasa labing-dalawang gulang palang siya pero ang isip parang matanda na. Pero totoo naman ang kaniyang sinabi.

"Saktong lahat tayo rito pinagkaitan."

"Then let's live to the fullest," saad ko at ngumiti sa kanila.

Rockie, At Your Service (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon