Pumasok na kami ng amusement park, kasabay ko ngayon si Aize na nakaakbay pa sa akin.
"Rockie," tawag niya kaya napatingin ako sa kaniya. "Let's ride all of them and play all the booth," ani niya na may ngiti sa labi.
"Game!"
Kung saan ang gusto ko, nakasunod naman sila. Walang ni isang umangal kahit hilong-hilo na sa sunod-sunod na mga rides na sinakyan namin. Sumuka na nga si Rio sa gilid pero go pa rin. Pinag-awayan pa nga nila ako kasi lahat sila gusto akong makatabi, hiyang-hiya tuloy ako sa mga taong nasa paligid. Ang haba naman ng buhok ko, sorry naman baby face lang.
Para maawat sila ay salitan kung sino ang makatabi sa mga rides. Hindi nga maalis ang kunot sa noo ni Aize at may binubulong pa sa sarili habang pinupukulan ng tingin ang mga kasama niya. Natawa na lang ako sa inakto niya, nakakahalata na talaga ako sa isang 'to eh. Kapag kasama ako ay halos hindi humiwalay sa'kin at ngumingiti pa kapag ako ang kausap, ngunit kapag kasama niya ay team o ibang tao parang may dalang yelo sa lamig ng trato at halos hindi nagsasalita.
Malakas ang tawanan namin palabas ng Vikings. Agad akong umupo sa isang bench para makapagpahinga saglit. Agad namang nakalapit si Aize at inabutan ako ng tubig at tumabi sa'kin.
"Thanks."
"Ano ang susunod?"
"Nagmamadali ka?" tanong ko. Kanina pa siya, pagkatapos ng isang rides, nagyayaya naman siya sa susunod.
"Para ako naman ang makatabi mo, kanina pa ako."
Shet! Pigilan niyo ako! Ano ba marupok ako sa'yo Aize! Nakasimangot pa siya at umirap kay Shaun na siyang katabi ko sa Vikings.
"May pahawak-hawak pa siya sa kamay mo." May kinuha siyang maliit na alcohol sa bag at binuhos sa kamay ko. "Linisin natin malamang may germs na."
Napaawang ang bibig ko at hindi na napigilang ang sarili at tumawa.
"Nagseselos ka?"
Inangat niya ang kaniyang tingin sa'kin. Napalunok naman sa tingin niyang napakaseryoso.
"Kung oo paninindigan mo ba ako?"
Napatahimik naman ako sa tanong niya. Ilang beses na'to, at tiklop pa rin ako. Mas lalong tumindi ang titig niya na ikinalunok ko. Shet!
"Huwag mo na kasing itanong kung halata naman. Kasi tanong mulang umaasa na ako."
Shet! May pinanghuhugutan! Aize huwag kang ganyan.
Ngumiti ako sa kaniya na may halong maliit na tawa. "Nagtanong lang ako, kasi hindi ako sigurado at ayaw kong mag-assume. At huwag kang umasa kasi tanong lang 'yon."
Napakamot siya sa ulo at umiwas ng tingin.
"Halika na, sakay tayo ng Ferris wheel," pag-iiba ko ng usapan. Humarap naman siya at ngumiti.
"Mabuti nga, para masolo kita."
Jusko! Awat na!
Malawak ang ngiti ko habang nakatanaw sa labas ng sinasakyan namin sa Ferris wheel. Aminado naman akong ngayon lang talaga ako nakasakay ng ganito.
"Aize, ang ganda rito."
"Sinabi mong first time mo ito."
Lumingon ako sa kaniya na nakaupo sa harapan ko. "Oo," nakangiti kong sambit.
"Why?" Nakakunot ang kaniyang noo at kitang-kita na naawa siya sa'kin.
Mapait akong ngumiti. Hindi naman kasi lahat ng bata pareho, at hindi lahat pinagpala ng magulang na kaya kang mahalin.
BINABASA MO ANG
Rockie, At Your Service (Under Revision)
Teen FictionLincolnshire Series 2 Meet Rockie ang dakilang rakitera ng Lincolnshire University. Isang dalagang tumatanggap ng iba't-ibang klase ng trabaho basta legal para magkapera. Sa murang edad binubuhay na niya ang sarili at sinasabay ang kaniyang pag-aara...