CHAPTER 26

35 2 0
                                    

                                :)

Ilang Linggo na ang nagdaan ng makauwi kami galing sa batanes.  At sa pag-uwi namin na 'yon ay dumiretso kami ni Blake sa condo niya. Doon ako nagstay ng ilang araw bago umuwi sa bahay namin. 


Sunday ngayon kaya naisipan kong ayain si Blake na magsimba. Sa simbahan kung saan lagi kami nagsisimba nila Nikki, katanuyan niyan ay kasama namin sila.  



"Ano nakapag desiyon na ba kayo para sa Wednesday?" Tanong ni Raine habang papalabas ng simbahan.



Tinutukoy niya ang pustahang laro nila Lucas. Nakipag pustahan kasi ang Brotherhood nila sa ibang mga kalaban nila. Hindi ako sigurado kung maglalaro si Blake lalo na at nalalapit na ang pag-alis niya.



"Only my boss can answer that," Blake placed his arm on my shoulder.



"Boss ka Jan," Umikot ang bilog ng aking mga mata, "Sige, sasama kami." Baling ko kela Raine.



Mga nagsi-palakpakan naman silang dalawa ni Nikki. 



"Maglalaro ka ba?" Tanong ko sakanya habang naglalakad papunta sa kotse niya.



"Gusto mo ba?" Tanong nya pabalik.



"Oo, gusto ulit kita mapanood sa court. Lalo na hindi kita napanood noong nagfinals kayo." Tumatango kong sagot.



"I'm not sure, parang mas gusto ko nalang manood at umupo sa tabi mo." He shrugged.



"Sigurado ka?" Paninigurado ko.



"Yes, I want to experience watching them while playing."



"Okay, I'll cheer your friends nalang." ani ko.



Naghiwa-hiwalay kami ng daan nila Raine, may mga kanya-kanya silang lakad nila Lucas. Umuwi nalang kami ni Blake sa amin at bumili nalang ng mga inihaw na pagkain malapit saamin. These past few weeks, we preferred to stay at home or on his condo.



"Baka naman maubos ang pera mo niyan, Blake. Sabi naman sa'yo pwedeng ako nalang ang gagawa ng kakainin niyo ni Carisa rito." Sabi ni Mama.



"Hindi na po, Mama. Mas gusto po namin na bumili nalang sa labas kesa maistorbo kayo." Sagot niya kay Mama, sinabihan na sya ni Mama na itigil na ang pagtawag sakanya na 'tita' at tawagin na rin siyang 'Mama'.



"Oo nga po, ipahinga niyo nalang po kesa ipagluto kami." Sabi ko, alam ko kasi sobrang pagod at stress si mama nitong mga nakaraang araw.



Nagpaalam sya na matutulog sa itaas. Hindi man lang sya nag-abala na saluhan kami kumain.


Umupo kami sa lapag ng sala namin at namili ng papanoorin. Ganto ang routine namin simula noong umuwi kami galing batanes. Lagi kami magkasama, tipong kakain ng sabay, matutulog ng sabay, Inaasar nga kami nila Mama dahil para kaming magnet na mahirap paghiwalayin.

Caught up (TCS#1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon