CHAPTER 8

130 4 0
                                    

                                :)

"Eto ba ang bar na sinasabi ni Blake?" Tanong ni mama.


Andito kami ngayon sa address na binigay ni Blake sa akin. Ito na ang huling aasikasuhin namin para sa debut ko nextweek.



"Opo ma, Ito yung lugar na nakalagay dito sa sinend ni Blake." Sagot ko bago bumaba ng sasakyan.



Siya dapat ang kasama ko rito kaso masyadong mahigpit ang schedule niya. Pinagmasdan ko ang labas ng lugar, ang kagandahan sa nirecommend na lugar ni Blake malapit sa venue na napili namin, pwede ang walking distance.



Pumasok ako sa loob at nilibot ang paningin sa kabuuan ng lugar. Maganda at maaliwalas ang paligid. Napatingin ako sa mga light bulb na nakasabit sa kisame na para bang isang chandelier ito. 


Natuwa naman ako sa mga high chair and leather sofa dahil parang pang-action movie ang ambiance ng lugar. The counter bar was glossy black at may mga baso na nakasabit, sa likod naman ng counter mga iba't ibang alak ang naka-display.



"Hi, you must be Carisa?" Tanong ng babae na sumulpot sa kung saan.



"Yes, and you are Blake's friend?"



"Yes, I'm Rj." Inabot nya ang kamay niya.



"Nice meeting you, Rj."



I know, her name was like a boy. But Rj was a beautiful and tall woman. Mas matangkad siya sa akin na parang kapantay lang nya si Blake. She was wearing a white sando and a flannel with pair of black jeans and black boots.



"This was my father's business." Panimula niya.



"Did your father style this bar?" I asked.



"Yes, I was little back then. But now that he is gone, I was the one who managed it." She said and felt a little sad.



"I'm sorry to hear that, ano kinamatay ng tatay mo?"



"What? He's not dead, he's just taking his vacation at L.A. Do I sound like he is dead?" She chuckled.



"Oh shoot! I'm sorry.." I nervously laughed.



"It's fine." She laughed and open a glass door that leads to the balcony of the bar.



Sa balcony may iilang tables and chairs, pwede magbreakfast or dinner date dito.



"Wow, ang ganda.." Paghanga ko dahil ang ganda nang tanawin dito.



"You like it?"



"Of course!" I exclaimed. "Magkano aabutin kapag isang gabi lang ang party? Gusto ko sana ireserve na ang date."

Caught up (TCS#1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon