CHAPTER 16

104 2 0
                                    

R18

                                :)

Our next destination was five finger coves. I wake him up early and he gave me a hard time waking him up. Nakaligo na ako't lahat-lahat natutulog pa rin siya, nung matapos ako mag-ayos dun lang siya bumangon at kumilos.


"Gusto mo ba ako nalang magdrive?" Tanong ko sa kanya sa kalagitnaan ng biyahe namin, humihikab-hikab kasi siya.


"No, I'm fine."


Ala sinco palang ng madaling araw ng bumiyahe kami. "Buti nalang maaga tayo bumyahe 'no? Madami kasing tao kapag hapon na tayo dumating."


"Did you text him?"


Tinutukoy niya ang bangkero na tatay ng kaibigan ng pinsan ko. Plinano ko ang lakad na 'to dahil lagi siya ang nagpaplano ng alis namin.


"Oo, basta itext lang daw siya kung andoon na tayo sa isla."


"Gusto mo ba magstop over muna tayo at makainom ka ng kape o kaya makapag-almusal?" Muli kong tanong sa kanya.


Isang tasang kape lang kasi ang aming nilaman sa mga tiyan namin. Nag-aalala ako baka kasi inaantok pa siya at nahihirapan magdrive lalo na madilim din ang daan.


"I'm fine, mahal. Don't worry about me, just keep on talking nawawala antok ko."


Ginawa ko naman ang sinabi niya, I keep on talking and singing. Effective naman dahil 7:00 ng umaga nakarating na kami sa isla. Ilang oras din ang binyahe namin lalo na at dulo ito ng mariveles.


Pinarada ni Blake ang sasakyan niya kung saan may mga kotse rin na nakaparada. May isang tindahan doon na may mga tambay. Nilapitan ko 'yon para magtanong baka sakaling kilala nila ang bangkero.


"Manong, tanong ko lang po kung kilala ninyo si Mang Esteban?" Lapit kong tanong sa tambay.


"Pare, esteban daw." Tungo niya sa isa ring tambay.


"Ah, ayun oh." Nginuso niya ang matandang may puting buhok na papalakad sa gawi namin.


"Hello po, kayo ho si Mang Esteban?" Sinalubong ko ang matanda.


"Ahh, kayo ba yung sinasabi ng anak ko?"


"Opo, si Sharmaine po yung pinsan ko na kaklase ni Monica ho?" Sabi ko at tumango siya.


Inaya niya kami papunta sa bangka. Sumuong kami sa dagat papunta doon, may dalawang lalaki ang nakasakay sa bangka marahil mga anak niya ito. 



Nakasuot ako ng white shirt at maong shorts sa loob ang black two pieace ko. Si Blake naman ang white button down short sleeve and black board shorts. Binigyan din nila kami ng life vest.

Caught up (TCS#1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon