CHAPTER 4

151 4 0
                                    

                                :)

"Nabalitaan mo na ba?" Tanong saakin ni Nikki habang nakapila sa canteen.


"Ang alin?" Tanong ko pabalik.


"Dito pa rin pala siya nag-aaral. Kakabalik lang galing probinsya." sabi niya na pinagtaka ko.


"Ate, siomai tattlo tas isang cup po ng kanin." Order ko, nilingon ko muli si Nikki, "Sino ulit?"


"Yung ghoster. Ganun din akin, ate." sabi niya.


"Si Lester? Ano naman kung bumalik siya?" Kinuha ko ang tray na may laman na order namin.


"Pinapaalam ko lang sa'yo, baka kasi makasalubong mo siya magulat ka bigla."


Pumwesto kami sa pinaka dulo ng canteen. Wala masyadong estudyante ang napapadpad dito, tanging mga senior high lang ang umo-okyupado dito.


"Grabe siomai nila 'no? Siolat dapat tawag dito hindi siomai. Puro wrapper nakakain ko." Sabi ni Nikki habang pinaglalaruan ang siomai at hinahanap ang laman.


"Hahahaha! Nikki ano ba... " Humagalpak ako ng tawa, nakakatawa kasi yung dismayado niyang mukha.


"Tignan mo kasi tipid na tipid." Inangat nya ang kutsara na may gutay gutay na siomai.


"Kainin mo nalang. Andami kasing putahe dun, ginaya mo pa ako." Sabi ko habang natatawa pa rin.


"Hindi ko naman gusto lasa ng iba nilang putahe. Parang pare-parehas lang ng lasa."


Malapit na kami matapos ni Nikki kumain. Wala si Raine nagpaiwan sa classroom dahil may tinatapos pa s'yang PT. Natanaw ko naman sa di kalayuan sila Asha na papalapit saamin.


"Legit ba?" Bungad saakin ni Asha.


"Ano?" Sagot ko habang kumakain ng lunch.


"Bumalik na daw si Lester, ano masasabi mo doon?" Umakto sya na parang may mic na hawak.


"Ghourl ghoster, 'di ba? Pano pag nagparamdam ulit." singit ni Wayne.


"Edi magparamdan sya as if naman may third eye ako para makakita ng multo."


"Third eye amp!" Natatawang sabi ni Emily.


Tumayo ako at kinuha ang plato na pinagkainan ko. Nilagay ko iyon kung saan ilalagay ang mga gamit na plato at kubyertos sa gilid ng canteen. Sumunod naman saakin si Nikki pabalik ng classroom.


"Nikki! Nabigay mo na ba?" Bungad ni Raine kay Nikki.


"Ang alin?" Tanong ko sakanila.


"Yung bracelet para sa Boyfriend nya." Sagot ni Raine.

Caught up (TCS#1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon