CHAPTER 41

50 1 2
                                    

                                :)

"Carisa?" I heard Sophia's voice when the elevator's door opened.


"Ano ginagawa mo rito? Pinuntahan kita sa unit mo sabi nila Nikki wala ka ra—" Natahimik siya ng bigla ko siyang yakapin.


"What happened?" She asked.


"Wala na kami... I lost the man I've loved." I cried out loud.


"Blake? You guys broke up?"


"mm-mm," I nodded.


She hugged me tight and caressed my back trying to make me calm. 


Hanggang ngayon klarong-klaro pa rin sa utak ko kung anong nangyari noong gabing naghiwalay kami ni Blake. Si Sophia ang dumamay sa akin buong gabi bukod kila Nikki at Raine.


Isa siya sa mga dahilan kung bakit masaya ako at hindi ko naiisip na mag-isa ako. I considered myself lucky for having her.


"No way... Hindi 'to totoo!" Napatakip si Danica sakanyang bibig habang nag-uunahan bumagsak ang mga luha nya.


Pati siya ay napaupo na sa sahig. Kapwa kami nakaupo habang humahagulgol.


"What happened to Mommy?" Uno asked, I glanced at him. His eyes are full of questions, trying to figure out what was happening.


Tumayo ako at akmang lalapit na sa kanya nang biglang humarang sa harapan ko si Blake.


Tumingin sya ng diretso sa mga mata ko, "I don't think this is the right time to tell him."


"Kailangan ko sabihin sakanya—"


"Sa tingin mo kapag sinabi mo ngayon mapapaliwanag mo nang maayos sakanya? You're in shock, Carisa. You have to calm down first."


Iniwasan ko lang ang tingin niya at nilagpasan siya. Niyakap ko si Uno habang naiiyak pa rin. Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko at wala rin akong maisip kung paano ko ipapaliwanag sakanya ang tungkol sa Mommy nya.


"Tita-Mommy, why are you crying?" I felt his tiny hands wrapped around me. "Does something bad happen to mommy?"


"Uno, do you want to come with me? Let's go to your room." Pag-aaya sakanya ni James.


"What are we going to do there?"


"We will play and read books. Diba you love reading books? Let's read your new books." Pagsisinungaling nya.


Ayaw ko man bitawan ang bata pero kailangan ko. Kung hindi sya ilalayo saamin ay mas lalo syang magtatanong kung ano ang nangyayari.

Caught up (TCS#1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon