CHAPTER 43

41 1 18
                                    

                                :)

Balik kami sa normal naming mga buhay. Si Danica ay pumapasok na sa kompanya niya at si Uno ay balik eskwela. Ako naman ay andito pa rin sa condo nagtatrabaho. Mag-isa at buong maghapon nakaharap sa laptop ko.



Sumasakit ulo ko habang binabasa mga report ng tauhan namin. May nakikita kasi ako na parang lyrics ng kanta ang nilagay nila. Yung iba naman parang lasing nung nagsulat nang report.



"They say you call when I need you!?" Basa ko sa isang sentence sa reporting nung isa. "Shuta! Ano pinaggagawa niyo sa buhay niyo!?"



Tumayo ako para abutin ang tubig sa harapan ko. Naiistress ako sa mga nababasa ko, para silang mga highschool. Ano ba akala nila hindi 'to chinecheck isa-isa?



My gosh!


Natigil ako sa pagbaba nang biglang may nagtext sa akin.



From: Agilang may layang lumipad

Uno requested a pasta, pick up here at the restaurant. if you have time.


Napailing nalang ako sa nabasa ko. Spoiled na spoiled sa kanya si Uno, pero ano ba magagawa ko siya naman ang malulugi at hindi ako. 



Mabilis kong tinapos ang mga gagawin ko dahil naisip ko na magandang iunat ko ang katawan ko. Hapon na at saktong gusto ko magmerienda, medyo kumakalam na ang tyan ko dahil sa sobrang dami ng gagawin at nakalimutan kong magtanghalian.



Tumayo ako para tignan ang sarili sa salamin. Inayos ko ang nagulo kong buhok, tinali ko 'yon nang pusod. Sinuklay ko 'yon gamit ang aking kamay at naglagay ako nang pabango mula ulo hanggang paa.



Inayos ko pa ng kaunti ang sarili ko para presentable akko tignan. Inayos ko ang mga papeles na nasa lamesa ko bago lumabas nang condo.


Bumaba ako na may mga ngiti sa aking labi. Hindi ko naman alam ba't ako nangingiti nang ganto. Wala naman akong binili na bagay na magpapangiti sa akin ng ganto.  Hindi rin ako nanalo sa lotto o wala naman akong ginawang bagay na ikasasaya ko.


Basta ang alam ko lang paggising ko ay masaya ang puso ko. Sa totoo lang  nung dalawang araw pa ako ganto. Napapagkamalan nga akong baliw ni Danica dahil minsan na niya akong nakitang sumasayaw habang sinasabayan ang isang love song.



"Magandang hapon po," Bati sa akin ng guwardiya.


"Magandang hapon din, manong."



Pagpasok ko ay nakita ko kaagad si Blake na nasa counter. Kausap niya ang isang babae na isa sa mga tauhan niya.


"Pwede ba ako umorder?" pagkuha ko sa atensyon niya.


Tumingin siya sa akin at biglang lumiwanag ang mukha niya nang makita ako, "Hi, miss beautiful."


Caught up (TCS#1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon