CHAPTER 22

118 4 1
                                    

                                :)

"Plane ticket for what?" I asked him while looking at the brown envelope.


"San Francisco..." He was hesitant to answer.



Tumingin ako sa malayo bago tumikhim, "Ba't ang aga mo naman bumili ng ticket paalis. Akala ko ba pagtapos pa ng bakasyon ka aalis?"



A small smile curved his lips, "Mom wants to book a ticket 3 months early for my flight."



"T-Three months?" Utal kong sabi, nakaramdam ako ng parang matalim na karayom ang tumusok sa aking puso.



Tatlong buwan? Isang buwan at kalahati ang natitira bago magbakasyon. Tatlong buwan nalang ang natitira saaming dalawa? Tatlong buwan kung saan maikling oras para sulitin ang natitira naming oras na magkasama? 



"Yes, three months."



"Pero hindi pa tapos bakasyon nun ah." 



"I know, but I have something to fix there. And I need to be there." He said.



Ngumiti ako ng pilit para itago ang aking nararamdaman, "Mahaba pa ang tatlong buwan."



"Mahaba pa, mahal. Sisiguraduhin ko sa loob ng tatlong buwan ay marami tayong magagawa."



"Oh panalo ako!" Sigaw bigla ni nikki sa sala na nakapukaw ng attention namin.



"Blake, Carisa, Tara na rito!" Aya saamin ni James.



Inipit ko ang buhok ko sa likod ng aking tenga, Kumapit ako sa braso ni Blake at dinaluhan sila Nikki na naglalatag na ng isang board game,  'Twist and  Tumble'.



Si Nikki at Raine ang unang naglaro, si James ang taga ikot ng maliit na roleta.



"Left foot, yellow." Sabi ni James, umapak naman ang kanilang mga kaliwang paa sa kulay dilaw
na bilog.



"Right hand, red," Dugtong niya.



"Raine, wag mo naman masyadong bigatan." Sabi ni Nikki na parang hirap na hirap sa pwesto nila. Nakapatong kasi si Raine sa likod niya.



"Nabibigatan ka pa? Ang gaan-gaan ko kaya." ani Raine.



"Isa pa 'to si Carisa, tawa lang nang tawa ah." Sita niya sa 'kin.



"Mukha kasi kayong tanga." Sabi ko habang natatawa.



"Wow ah, pag ikaw na ang naglaro tatawanan kita." Pagbabanta niya.



"Left foot, blue." Muling anunsiyo ni James.



Ramdam ko ang mga tingin ni Blake sa aking gilid. Nilingon ko siya at tinaas ang dalawang kilay, maliit na ngiti lang ang sinukli niya sa akin bago ibaling ang tingin sa naglalaro.

Caught up (TCS#1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon