Chapter II #YMOLunwanted!

5.7K 170 3
                                    

Hindi pumasok sa mansion noong araw na yon si Mia.Ayaw nyang makita ang binatang si Lance.Hindi nya alam kung bakit ganon na lang ang galit sa kanya ng binata.At hindi nya maintindihan kung bakit tila may malisya ito sa pakikipaglapit nya sa ama nito.Hindi nya maubos maisip na kaya siyang pag-isipan ng ganon ni Lance.

Nagtataka ang matandang Don kung bakit tila hindi papasok si Mia.Tanghali na kasi ay wala pa ito sa mansion."Good morning Dad!"bungad ng binata sa ama."Good morning son!...may nabanggit ba sayo si Mia na hindi sya papasok ngayon?"Usisa ng ama."Wala naman po Dad!Bakit po hindi po ba sya rito nakatira?"Unti-unti ng nagkakalkal ng info ang binata."Ah hindi son twing Saturday at sunday lang sya andito sa umaga at umuuwi rin twing hapon.!"paliwanag ng matanda."Ahhh...eh bakit wala po sya ngayon?"tanong nya sa ama."Yun nga ang pinagtataka ko eh anu kayang nangyari sa batang yun"!Tila nakita nya sa mukha ng ama ang sobrang pag-aalala."Ah Dad masyado po yata kayong nag-aalala baka naman po may pinuntahan lang"Naiiritang sabi nya sa ama."Ok lang ba son kung pakitingnan mo sya sa kanila?"pakiusap ng ama."Seryoso ka Dad ?kailangan ko pa bang alamin kung ok sya?ganyan sya ka importante sa inyo?bakit Dad?ano ba sya sa inyo?"Halos gusto ng sumabog ni Lance...gusto na nyang ipaalam sa ama ang nabalitaan nyang relasyon nito kay Mia."Anak mahabang kwento...saka ko na lang ipapaliwanag sayo ang lahat."tila hindi naman pinansin ng ama ang kakaibang reaksyon nya."Pero Dad?"hindi na nasundan ni Lance ang sasabihin ng sumagot agad ang matanda."Please anak pakitingnan mo si Mia"!pakiusap ng ama sa binata."Ok sige Dad"pinagbigyan nya narin ito kahit mabigat ang loob nyang makitang nag-aalala ng sobra ang ama kay Mia.

Tinungo nya ang bahay ni Mia naabutan nya itong nagwawalis ng bakuran."Wala ka naman palang sakit bakit hindi ka pumunta sa mansion."Bungad ng binata sa dalaga.Hindi ito umiimik matalim lang ang tingin sa kanya."Ayos ka rin noh?Pinasasahod ka ni Dad tapos mag-aabsent ka kung kailan mo gusto?wika nito na sumunod sa kanya papasok ng bahay."Ano hindi ka man lang ba magsasalita jan?Wala kabang dila?Ano bang pinakain mo kay Dad at sobra -sobrang atensyon nya sayo?pinapunta nya pa ko para lang tingnan kung ok ka.....Ang lupet mo rin noh?"sarcastic na wika nito."Tapos ka na ba?"Taas kilay na tanong ng dalaga.Nakatitig lang ang binata sa kanya."Makakauwi ka na!"galit na sabi ni Mia sabay talikod sa kausap."Hindi pa tayo tapos....marami ka pang dapat ipaliwanag saken Mia!"wika ng binata sabay batak sa braso nya."Wala akong dapat ipaliwanag sayo."halos mangiyak-ngiyak na sagot nya.Binatak nya ang kamay nya at walang lingong umakyat ng bahay.Sa pangalawang pagkatataon naiwang nakatunganga si Lance.Gustong-gusto nyang itanggi ni Mia ang paratang nya rito subalit tinatanggap lang ng dalaga ang lahat ng sinasabi nya bagay na lalong nagpapapraning sa kanya.Gustong-gusto nyang yakapin ito...Halikan sa mga labi...pero pag naiisip nya ang relasyon nito sa kanyang ama bumabangon ang galit nya.

You're My Only LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon