Chapter VIII #YMOLPartingtime!

5K 140 2
                                    

Sinuot ni Lance ang couples bracelet nila ni Mia upang maalala nito ang nawawalang bracelet.Tinabihan nya sa sofa ang nakaupong si Mia pagkatapos ay nilaro laro nya ang bracelet na suot nya."hmmm nasan na kaya ang kapares ng bracelet na'to!" Tila nanunukso pa itong tumingin sa kanya.Napakagat labi si Mia ng maalalang nawawala nga pala ang bracelet nya."hmm...nasaan ang bracelet mo hon?"bakit d mo sinusuot?"tila pinalalaki pa nito ang singkit na mata.Bigla nyang naalala ang huling araw na suot nya ito."Nawala ko sa mansion!"malungkot na wika ng dalaga."Hayy...ano ba yan hindi mo iniingatan naman ang binibigay ko sayo! "wika ng binata habang dinudukot ang bracelet sa bulsa.Natuwa si Mia ng makita ang hawak nya."Napulot mo pala eh!"Nakangiting isinuot ito sa kanya ng binata."Wag mo ng iwawala yan ha?"wika ng binata sabay pisil pa sa ilong ng dalaga.Maya-maya pa'y lumungkot ang mukha ng binata.Niyakap sya nito ng mahigpit."Bakit hon?"Bumuntong hininga lang ito at di umimik.Nag-alala si Mia alam nyang may problema ang binata.Maya-maya pa'y nagsalita ito "Hon sasama ka ba saken sa amerika?"seryosong tanong ng dalaga."Hon alam mo namang di ko kayang iwan ang bahay namin!"malungkot na sagot nya."Pero hon...matagal akong mawawala at ayoko ng magkahiwalay tayo...kaya please sumama ka saken!"Pakiusap nya sa dalaga."Kung talagang mahal mo ko di mo ko iiwan!"nagtatakbo papasok ng kwarto si Mia.Walang nagawa ang binata kundi pagmasdan ang papalayong dalaga.

Wala silang imikan habang bumibyahe pauwi ng Maynila.Kapwa tinitiis ang isa't isa.Nang makarating sa bahay ng dalaga ay humalik pa ang binata sa pisngi nya.Yun lang at nag-uunahang bumagsak ang mga luha ng dalaga."Please hon...wag mo kong iiwan!"pagmamakaawa nya sa binata."I'm sorry...tatawag ako parati....magiging busy ako sa mga susunod na araw..."Yun lang at mabigat ang loob na sumakay ang binata sa kotse.

You're My Only LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon