Chapter VII #YMOLkiss@makeup!

5.1K 157 2
                                    

Nagpabili ng alak si Lance sa katiwala nila sa resthouse.Ibubunton nalang nya sa alak ang lahat ng sama ng loob.Di nya namalayang nakarami na pala sya."Boss hatid ko na po kayo sa cottage nyo",alok ng katiwalang si joseph. "Hindi inom pa tayo!"halos bulol na ang salita ni Lance ayaw parin tumigil si Lance.Walang nagawa ang katiwala kundi sundin ang amo.

Samantala sa cottage ay nag-aalala na si Mia kay Lance kahit naman kasi pinaparusahan nya ito hindi parin naman nawawala ang pagmamahal nya dito.Maya-maya'y may naririnig syang kumakatok sa labas.Si Lance pala iyon na hinatid na ni joseph."Mam pasensya na po naparami po inom ni boss makulit po eh"bungad ni joseph kay Mia akbay si Lance na halos pikit na ang mata sa kalasingan."Hi hon!"bati pa nito sa kanya na halos di na makatayong mag-isa."Sige kuya ako ng bahala sa kanya...salamat!"aniya na inalalayan papasok ang lasing na si Lance."Bakit ka kasi naglaseng eh alam mo namang di mo kaya ang alak!"sermon nya dito habang papunta sila sa kama."wag ka ng magalit saken hon...namimiss na kita eh..."pasubsob sa kamang sabi nito."Kumain ka na ba?"nag-aalalang tanong ng dalaga.Umiling lang si Lance bilang tugon.Tapos ay umiiyak na itong yumakap sa kanya.Walang salitang lumabas sa bibig ni Lance tanging mahigpit na yakap at iyak lang.Tila natunaw narin ang yelong puso ng dalaga.Gumanti narin sya ng yakap sa binata.Tila nawala ang pagkalasing ni Lance ng maramdamang niyakap narin sya ni Mia.Natutuwang Hinalikan nya ito sa noo at pagkatapos ay magaan ang loob na nakatulugan nilang yakap ang isa't isa.

Kinaumagahan naunang nagising ang binata.Pinagmamasdan nya ang tulog na tulog na si Mia na bahagya pang nakadikit ang mukha sa leeg nya.Hinalikan nya ang labi nito at nakangiti itong nagmulat."Bati na tayo diba hon?"paniniguro nya sa dalaga."Matamis na ngiti lang ang sagot ng dalaga at mahigpit na yumakap sa kanya.Walang pagsidlan ang saya ng binata.Marahan nya itong hinalikan sa labi ng paulit-ulit na tila sinusulit ang mga araw na hindi sila magkasundong dalawa."ILoVeYou"!pabulong na wika ng dalaga."Iloveyou more hon....!"malambing na sagot ni Lance."Wala kang iniwang chicks sa states?"naglalambing na tanong ng dalaga."wala!alam mo namang Your my only love!"nakangiting niyakap sya nito ng mahigpit."Ikaw,kinukulit ka pa ba nung tawag ng tawag sayo ha?!"tila nagseselos na tanong ng binata."Hindi ko nga alam bakit di na yun nagpaparamdam saken!"tila malungkot na sabi nya."Ahh...mukhang malungkot ka pa na di na sya tumatawag ah...bakit gusto mo ba yun ha?Tila sinisindak pa sya ng binata na nilalakihan pa sya ng mata."Sorry ka di na yun tatawag takot lang nun saken!'pagyayabang pa ng binata."teka anung sabi mo sa kanya ha?"tila nahulaan ng dalaga na may ginawa sya dito.Kinurot-kurot sya nito na pinapaamin pilit.Natatawang tumayo sya ng kama at iniwan ang dalaga.

You're My Only LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon