Chapter V #YMOL rejection!

5.1K 151 3
                                    

Nagpasya si Lance na suyuing muli ang dalaga.Inaraw-araw nya ang padala ng bulaklak dito ngunit araw-araw din itong tinatapon ni Mia.Natyempuhan nyang kumakain si Mia sa kusina tinabihan nya ito at sinabayang kumain.Ngunit hindi man lang ito tumingin sa kanya kahit anong papansin ng binata.Nandoong makiabot sya ng ulam...ng kanin...ng tubig...lahat na yata ng pwdeng iabot pinaabot nya para pansinin lang sya ng dalaga.Ngunit hindi iyon pansin ng dalaga.Sa halip ay tinawag nito ang maid para iassist sya."Manang Fe kailangan po yata ni Senyorito Lance ng tagasubo ng pagkain nya pakisubuan naman po mukhang disabled po ang mga kamay nya ngayong araw!"sarcastic na wika ng dalaga sabay lumabas ng kusina.Naaasar naman si Lance ng akmang kukunin nga ng katulong ang kutsara at susubuan sya."Manang...isa ka pa eh...pakaligpit na nga lang po yan!"Naiiling na niligpit ni Manang Fe ang pinagkainan nila."Kasi naman po senyorito suyuin nyo wag nyong inisin..."di makatiis di mag comment ng matanda."Kayo talaga manang oh!"naiiling na lalabas sana sya ng kusina ng magring ang phone ni Mia naiwan pala ito sa mesa ng dalaga.Pinakialamang sagutin ni Lance ang tawag ng malamang lalake ang tumatawag."Hello sino to!"bungad ni Lance."Ah..hello number ba ito ni Mia?!"Tanong ng lalake sa kabilang linya."Oo bakit anong kailangan mo sa girlfriend ko?"Wala ng narinig na sagot sa kabilang linya ang binata tila natakot na pinutol na nito ang linya.Di naman mapakali si Lance na meron ng mga asungot na umaaligid kay Mia kailangan nya ng kumilos bago pa sya maunahan ng iba.

You're My Only LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon