Chapter IX #YMOLhardtime!

5.2K 145 3
                                    

Ilang araw hindi nagpakita si Lance kay Mia...Dinamdam ito ng dalaga hindi ito nagkain at napabayaan ang sarili hanggang sa magkasakit ito.Inisip nyang iniwan na sya ni Lance na hindi man lang nagpaalam.Nag-aalala naman si Lance kung bakit hindi na sinasagot ng dalaga ang mga tawag at text nya.Kaya tinawagan nya si Mang Rex ang gwardyang taga bantay ni Mia.Ngunit wala pala ito ngayon sa bahay dahil pinagbakasyon daw muna ni Mia.Nag-aalalang binaba nya ang phone at pinaharurot ang kotse papunta sa dalaga.Gabi na ng marating nya ang bahay ni Mia.Madilim ang paligid nakapatay ang ilaw subalit bukas ang mga pinto lalong nag-aalala si Lance nagmamadali syang umakyat sa kwarto ni Mia.Pagkabukas nya ng ilaw ay nakabungad ang walang malay na si Mia.Nagmamadaling binuhat nya ito at dinala sa ospital.

Kanina pa pabalik-balik na naglalakad si Lance ay hindi pa lumalabas ang doctor.Hindi nya mapapatawad ang sarili pag may n as nangyaring masama sa dalaga.Maya-maya pa'y lumabas ang doctor.Mabilis na lumapit sya rito."Doc ano pong lagay ng girlfriend ko?"nag-aalalang tanong nya."mabuti na lamang at nadala mo sya agad sa ospital sobrang taas ang lagnat nya at mukhang ilang araw syang hindi kumain...masyadong mahina ang katawan ng pasyente bukod pa dun ay dehydrated din sya...makabubuting manatili muna sya sa ospital".paliwanag ng doctor.Matapos kausapin ang doctor ay pumunta na agad sya kay Mia.Naabutan nyang natutulog pa ang dalaga.Naiiyak na hinawakan nya ang kamay ng dalaga."Gumising ka na hon please...kahit ano gagawin ko...gumising ka lang..."Naiinip na si Lance kung bakit hindi pa gumigising ang dalaga dumating na rin ang Daddy nya sa wakas."Dad bakit ayaw pang gumising ni Mia?"nag-aalalang tanong nya sa ama."Nasaan ang mga Doctor?!galit na hinanap ng Daddy nya ang mga doctor.Natatarantang nagdatingan ang mga doctor at Nurse."Doc bakit hindi pa nagigising ang pasyente..?"mataas na ang boses ng kanyang ama."I'm sorry po sir but i guess the patient is under the state of coma"ninenerbyos na sagot ng doctor."What???she's in coma?but why????"nagagalit na tanong ng matandang don."Masyado pong marami ang nawalang fluids sa katawan ng pasyente na nakaka apekto sa brain cells nya"!Paliwanag ng doctor."Pakiayos ang mga papers na kailangan ililipat kong hospital si Mia"utos ng makapangyarihang don sa doctor.Palibhasa'y kilala sya ng mga Doctor doon kaya nagmamadaling inasikaso nito ang paglipat ng hospital ni Mia.Samantala hindi makapaniwala si Lance sa nangyayari sa dalaga."Dad what's wrong?tell me this isn't true!"umiiyak na tanong ni Lance sa ama."Don't worry son maraming magagaling na doctor sa Manila gagaling sya!"inaalo-alo sya ng ama.

You're My Only LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon