Chapter IV #YMOLpainfulmoment!

5.6K 166 3
                                    

Hawak ang ulong bumangon si Lance.Sumakit ang ulo nya dala ng hang over Matapos maghilamos ay bumaba sya sa kitchen upang magkape.Naabutan nyang nagkakape din roon si Mia.Tinapunan nya lang ito ng tingin at pagkatapos ay nagtimpla ng sariling kape.Hindi naman kumikibo at tahimik lang na umiinom ng kape ang dalaga."Hindi ka ba nakauwi kagabi?"nakatalikod na tanong nya rito.Ngunit nanatiling tahimik ang dalaga na tila di sya naririnig "I'm sorry kagabi?"panghingi ng paumanhin ng binata.Sa isip ni Mia"Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito kagabi lang ang inihingi ng paumanhin samantalang ang dami nitong atraso sa kanya".Tiningnan nya lang ito ng lagus lagusan at akmang tatayo ng pigilan sya ng katabi."Please Mia speak up!"pagmamakaawa ng binata subalit hindi nya ito pinansin at dire-diretsong iniwan nya ang binata.Napabuntong hininga na lamang ang binata batid nyang masyadong nasaktan ang dalaga sa ginawa nya.

Naabutan nya sa sala may kausap sa phone si Mia.Tila lalake ang kausap nito humihingi ng paumanhin ang dalaga kung bakit hindi ito makakasama sa kung anung lakad nila."Sino yun?"tila nagseselos na tanong nya ng makitang binaba na nito ang phone.Pero sadya yatang walang balak ang dalagang kausapin sya.Hinawakan nya ito sa kamay at binatak papunta sa kwarto nya.Walang nagawa ang dalaga kundi sumunod sa lakas ng pwersa ng paghila sa kamay nya ng binata.Pagkapasok nila ay sinarado agad nito ang pinto at hinarap sya.Pag hindi ka parin nagsalita hindi ka lalabas ng kwarto ko.Madilim ang titig ng binata sa kanya.Ngunit di parin sya kumikibo.Lumuhod ito sa kinauupuan nya at hinawakan ang kamay nya."Sorry na!!!Alam ko ang laki kong gago! nagpakain ako sa matinding pagseselos ko...binabawi ko na lahat ng nasabi ko sayo.patawarin mo na ko please!"pakiusap ni Lance na yumuko pa tanda ng pagsisisi.Tiningnan nya lang ito ng walang emosyon."Ok fine!...Anong kailangan kong gawin para mapatawad mo ko?"tila nawawalan ng pag-asang wika nito."Hayaan mo muna kong mapag-isa!"matamlay na sagot nya.Iginalang naman ng binata ang desisyon ng dalaga.Siguro nga'y kailangan nya muna itong bigyan ng time para mag-isip.

Lumipas ang isang Linggo na hindi nya dinidikitan ang dalaga at ngayon ang araw na susubukan nya ulit lumapit sa dalaga.Miss na miss na kasi nya ito.Sabado ngayon kaya alam nyang darating ang dalaga subalit hindi parin ito nagpapakita sa mansion.Sinubukan nya itong kontakin ngunit hindi nito sinasagot ang phone.Kinakabahan na sya baka kung anu na ang nangyari sa dalaga.Pinuntahan nya ito sa bahay.Ngunit kanina pa sya tumatawag sa ibaba ay walang sumasagot sa kanya.Napansin nyang nakabukas ang pinto kaya pumasok na sya.Hinanap nya sa buong bahay at nakita nya ito sa madilim na sulok ng kwarto na yakap-yakap ang larawan ng ama't ina.Tila nakatulog ito sa pag-iyak habang yakap ang larawan ng mga magulang.Doon sya napaisip nasan na kaya ang mga magulang ng dalaga bakit tila mag-isa na lang ito sa bahay.Halos durugin ang puso nya ng maisip na marahil ay wala na ang mga magulang nito nakadagdag pa sya sa bigat na dinadala ng dalaga.Binuhat nya ang dalaga sa kama upang maayos na makahiga.Ngayon nya napansing nahulog ang pangangatawan ng dalaga marahil ay dahil sa pagkawala ng mga magulang nito.Bumaba sya ng bahay at naghanap ng mga taong maari nyang pagtanungan tungkol sa mga magulang ng dalaga.Napansin nyang tila may lalaking nakatayo sa di kalayuan.Nagulat sya ng makilala ang lalaki isa ito sa personal bodyguard ng kanyang ama."Anong ginagawa mo dito kila Mia?"nagtatakang tanong nya."Ai sir kayo po pala...dito po ako inasign ng Daddy nyo ayaw po kasi ni Mia na tumira sa mansion"paliwanag ng gwardya."Pero bakit?"tila naguguluhang tanong nya."Kasi po nag-aalala po daddy nyo kay Mia dahil mag-isa na lang po sya dito".pahayag ng gwardya."Nasaan sila nanay Mely at tatay Arman?"naguguluhang tanong nya."Ai sir di nyo po ba nabalitaan?namatay po sila sa aksidente nung isang taon lang po...Inatake po kasi ang Daddy nyo noon sila po ang nagsugod sa ospital pero po minalas po ng pabalik ng mansion namatay po sila...Naguilty po masydo ang Daddy nyo kaya po ayaw nyang pabayaan si Mia."kwento ng gwardya.Halos magsikip ang dibdib nya sa nalaman masydo palang mabigat ang pinagdadaanan ni Mia."Talaga bang hindi sya masyadong nagsasalita ngayon?"naisipan nyang mag-usisa sa kausap."Naging malungkutin nga po sya sir pero nakita ko pong sumigla sya ng sabihin ng Daddy nyong darating na kayo...Bumalik po ang dating Mia kaya nagtaka nga po ako bakit naging matamlay na naman sya".malungkot na pahayag ng kausap.Nagmamadaling bumalik sya sa kwarto ni Mia.Naabutan nya itong gising na.Lalapit sana sya rito ngunit tinaboy sya nito."Di ba sabi ko ayaw muna kitang makita?umalis ka na!....ales!!!"pasigaw na wika ng dalaga."Hon..."nag-aalangang lumapit ang binata."Stop calling me hon!wala ng TAYO lance...mula ng naisip mong babae ako ng Daddy mo tinapos mo na rin lahat satin!"Umiiyak na wika ng dalaga."Im sorry!"napayuko na lang si Lance."Umuwi ka na!"pilit syang tinaboy ng dalaga."Aalis ako ngayon pero hindi ako titigil hanggat di mo ko napapatawad!"Yun lang at iniwan nya muna ang dalaga.

You're My Only LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon