Chapter 74

68 12 1
                                    

[Future Pillars]

Tahimik lang na pinagmamasdan nina Kick at Ferro ang dalawang taong pilit na pinag-pareha ng tadhana. Naiiling nga si Ferro dahil hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng makakasama pa ng kapatid nilang si Silver ay ang unang Prinsesa pa ng Gabrelius na hindi naman naging lihim ang kanilang mga naging away.

“Pinaka-worst tandem ito,” ang naiiling na nasambit ni Ferro na noon ay ramdam ang matinding tensyon sa pagitan ng dalawa.

“Sinabi mo pa! Yung maging ka-partner mo ang mortal mong kaaway plus makasama sa iisang kwarto ay walang pinagkaiba sa pagtira sa impyerno,” ang pagsang- ayon ni Kick na sinabayan pa ng pagtawa nila ng kan’yang partner na si Ferro.

Pero natigilan na nga lamang sila nang maramdaman ang pagtitig ng dalawa na kanina pa pala sila naririnig. Natigilan ang dalawa sa pagtawa at nawala ang malalapad nilang pag-ngisi na sinabayan pa nila ng mabilis na paglayo sa dalawa. Nailing si Silver na biglang nahaplos ang isang magical patch na nakadikit sa kan’yang pisngi. Pakiramdam niya ay may bitak na ang kan’yang panga. Sa lakas ng kung anong bagay na tumama sa mukha niya na kagagawan ng unang Prinsesa ng Gabrelius, nagpapasalamat pa din siya at hindi siya tinakasan ng kan’yang kaluluwa.

Kagabi. Nang malaman nilang sila ang magiging magkasama sa iisang kwarto ay hindi sila makapaniwala. Naisip pa nga nilang baka malaking pagkakamali iyon ng committee. Siguradong hindi raw hahayaan ng committee na magsama ang isang binata at dalaga sa iisang kwarto ng basta lang.

Sinubukan nilang tumawag sa room ni Professor Macbeth. Ngunit mabilis niyang sinagot na walang pagkakamali sa naging room na naka-assign sa kanila dahil iyon ang nabunot nila. Kahit idiniin pa ng Prinsesa, na isang dalaga at isang binata silang magsasama sa iisang kwarto ay tinawanan lang sila ni Professor Macbeth na inaakala nilang walang emosyon.  Sinabihan na lamang sila ni Professor Macbeth na huwag mag-alala. Magpahinga na raw sila para sa pagpapatuloy ng training bukas. Walang nagawa kahit na ang unang Prinsesa ng Gabrelius. Natulala pa nga ito ng babaan na siya ng telepono ng Professor. Nagkatinginan na lamang sina Silver at Saber sa kanilang sitwasyon.
“Gusto ko nang magpahinga. Katulad ng sinabi niya, walang pagkakamali,” ang saad ni Silver na nauna na para pumasok sa kanilang silid. Wala namang naging choice si Saber kundi ang sundan siya.

Pagkapasok ni Silver sa kwarto ay kaagad niyang binuksan ang ilaw. Bumungad sa paningin niya ang dalawang klase ng kama na may parehong sukat. Pinili niya ang kamang malapit sa bintana. Mabilis rin siyang nagpalit ng damit bago pa man makabalik si Prinsesa Saber.

Mabuti na nga lamang at malakas ang naging pandinig niya at narinig niya ang isang pares ng mga paang tila nagdadabog sa hallway. Sa bigat noon ay sigurado siyang ang Prinsesa na iyon kaya mabilis niyang iniligpit ang kan’yang mga gamit at naupo sa kan’yang kama kasunod ng pagkuha niya sa kan’yang cellphone. Nagulat pa nga siya nang biglang sumulpot si Laila at lumipad papunta sa kan’yang balikat.

“Nasaan na tayo?” ang tanong ni Laila na kukusot-kusot pa sa kan’yang mga mata. Pero bago pa man makasagot si Silver ay bigla namang bumukas ang pintuan ng kan’yang kwarto kaya umakto na lang siyang pinipindot ang kan’yang cellphone.

Ang unang Prinsesa!”  ang namamanghang nasambit ni Laila nang makita ang napakagandang Prinsesa.

“Hindi ‘to pwede!” ang angal niya sa binatang kanina lang ay nakatungo sa kan’yang cellphone. Nakakunot na tinitigan ni Silver ang Prinsesa.

“Ikaw ang kausap ni Professor Macbeth, hindi ba? Sinabi niyang walang mali,” ang sagot ni Silver na nakikita ang pagiging  matigas ng prinsesa.

“Alam ko! Pero hindi ka dito pwedeng matulog. Maghanap ka ng ibang matutulugan!” ang utos ni Saber.

Silver: The Son of the Rebellion ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon