Chapter 31

11 0 0
                                    

[Amaris]

Tatlong araw na rin ang nakalipas, nang magsimula ang training ng mga representative ng Wolf Guild. Sa nakikita ni Fang na malaki talaga ang chance ng guild nilang manalo sa Annual Guild Battle. Ang pinagsamang bilis nina Speed at Silver ay tila abot-kamay na ang kampyonato, ngunit ang mapabilang sina Radar, Freeze, at Death sa representative ay tila perpeksyon sa kan'yang stratehiya.

Ngunit bago ang lahat, may kailangan muna siyang asikasuhin bago magsimula ang annual guild battle.

Hindi pa pumuputok ang sikat ng araw ay lumabas na siya ng Asthoria. Napansin niya ang ilang mga yabag na tila sumusunod sa kan'ya ngunit mabilis niya itong natakasan. Bagaman hanga siya sa noteworthy instinct nito ay alam niyang hindi ito makakaabot dahil sa kakulangan niya sa kasanayan.

Siyamnapu't siyam na porsyentong tama siya. Madali niyang naisahan ang isang iyon. Wala naman siyang balak na habang-buhay na itago sa kan'ya ang katotohanan ngunit sa pagkakataong iyon, ay kailangan niyang sundin ang utos ng nakatataas.

Tinahak niya ang malayong daan patungo sa isang masukal na kagubatan. Pitong bayan ang layo mula sa Gabrelius ngunit tila isang kisap-mata lamang sa kan'yang kakayahan.

Malayo pa lamang siya ay natatanaw na niya ang isang malaking crater sa gitna ng kagubatan-malapit sa bayan ng Demetria.

Kung titingnan ito ng ordinaryong mga mata ng tao, aakalaing isa lamang itong malaking hukay na gawa ng pagbagsak ng isang meteorite. Pero sa mata niya isa itong invisible na kaharian-kaharian para sa kanilang pinagkaitan ng katarungan at kalayaan.

Ilang metro na lang ang layo niya sa lugar na iyon nang bigla na lang sumulpot ang dalawang lalaking nakasuot ng itim na suot sa harapan niya. May pagkakatulad sa uniporme ng Gabrelius, isang imitasyon mula sa orihinal na nagdesenyo at tumuklas.

"Maligayang pagbabalik, Rafael," pagbati ng isang pamilyar na boses. That was Zev, his childhood friend.

"You're back Zev," ang nasambit ni Fang sa kaibigang matagal na niyang hindi nakikita. Matagal din siyang nawala sa hideout, para sa isang misyon na ibinigay ng elders.

"Kanina ka pa naming inaabangan, kaya nang matanaw ka namin mula sa hideout, naisipan naming salubungin ka na," ani Zev.

Napangiti si Fang. Mukhang kating-kati na ang mga elders sa bagong balita na dala niya.

"Mukhang sobrang na-miss mo ako," pagbibiro ni Fang.

"Syempre naman, matalik kitang kaibigan," ang sagot ni Zev, pero dama niya ang lamig ng mga salitang iyon. Hindi niya maipaliwanag, pero tila may kakaiba na sa kan'ya; malaking pagbabago na hindi niya matukoy.

"Magmadali na tayo, kanina pa tayong hinihintay ng elders," ang sabi ng isang lalaking may baritonong boses. He is the chief commander ng Amaris-ang pangalan ng samahan na pinaglilingkuran niya.

"Oo nga. Marami pa naman tayong oras para makapagkuwentuhan," ani Zev, pagkatapos ay hinawakan niya si Fang at ganoon din naman sa kan'ya si Commander Randall.

"Mas mabilis ito, kesa sa maglalakad tayo," ang sabi ni Commander Randall at saka sila nag-teleport papunta sa loob ng hideout.

Sa isang iglap, sa isang kisap ng mata ay narating na nila loob ng hideout. Iniikot ni Fang ang paningin sa loob. . .

Wala pa ring ipinagbago ang lugar na iyon. Madilim; malamig; at walang kabuhay-buhay ang bawat pader, ang bawat sulok; ang bawat parte ng gusali.

Tumingin sa kan'ya sina Zev at Chief Commander Randall.

"Natatandaan mo pa ba ang daan papunta sa assembly room?" ang tanong ni Commander Randall.

"Syempre naman. Kahit pa nakapikit akong maglakad dito sa hallway," aniya.

Silver: The Son of the Rebellion ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon