Chapter 83

48 18 0
                                    

[Accepted]

Reklamo. Iyon ang maririnig sa bibig ni Kick magmula ng tahakin na nila ang daan na iyon. Naririndi na nga si Freeze, kare-reklamo niya. Hindi na niya nagugustuhan ang ka-ingayan nito. Konti pa ay mauubos na ang pasensya niya. Sinabihan na siya ni Fang pero parang mas hindi iyon nakabuti dahil lalo pa itong umingay.
Pero nagulat na lamang si Freeze nang makita ang pagsenyas ng bagong salta na si Zero. Huwag raw silang gumawa ng kahit na anong ingay.
"May mga paparating na kalaban," ang sabi niya kaya ini-activate ni Radar ang kan'yang flair at sinang-ayunan niya ang sinasabi ni Zero.

Samantala ay may kung anong ingay mula sa malayo ang tila nakapag-pairita sa pandinig ni Silver. Masyadong matinis ang tunog na iyon na tila wawasak sa kan'yang eardrums.
"Anong klaseng tunog iyon?" ang daing ni Silver na kasalukuyang nakahawak na sa kan'yang tenga. Pakiramdam niya ay nag-durugo na ang kan'yang tenga dahil sa matinis na tunog na iyon.

Mayamaya pa ay sumulpot na sa harapan nila ang dalawang nilalang na nakasuot ng cloak. Tulad iyon ng nakaharap nila kagabi pero hindi nila maipaliwanag pero iba ang pakiramdam nila sa dalawang iyon.
Napangisi si Kick. Sa isip niya ay magpapakitang gilas siya sa mga kasama niya.
"Matitikman ninyo ang bangis ng aking lakas!" ang sigaw ni Kick na walang pagdadalawang isip na sumugod sa kan'yang kalaban. Ngunit nabigla na lamang ang lahat nang sa isang hampas lamang nito ay bumulusok na paibaba si Kick.

"Mahihinang nilalang. Ito na ba ang mga batang sinasabi ng mga aliping iyon?" ang tanong ng isang nilalang na naka-suot ng cloak na may boses ng babae.

Sa pagkakataong iyon ay nasiguro na ng lahat na iba ang mga nilalang na iyon. Nakakapagsalita ito hindi katulad ng mga nakaharap nila kahapon. Umihip ang malakas na hangin at laking gulat na lamang nina Silver nang matanggal ang hood na halos tumatakip sa mukha nito. Sa pagkakataong iyon ay lumantad ang mukha nito. May mata, ilong at bibig ang mga ito ngunit kung saan-saan ito nakapwesto sa parte ng kanilang mukha.

"Anong klaseng mga nilalang ang mga iyan?" ang natanong ni Ferro nang makita ang mga mukha nila.
"Hindi na mahalaga kung anong nilalang sila. Kailangan nating talunin sila para makapagpatuloy," ang sagot ni Radar na inihanda na ang kan'yang sibat.

"Reperio Ultima!" Kumislap ng maningning ang kan'yang kanang mata nang lumabas ang kulay gintong compass mula rito.

Isang minuto bago maganap ang pag-atake ng kalaban ay alam na niya ang mangyayari. Mababalutan ang kalaban ng kulay lilang halo at mula sa kan'yang likuran ay lalabas ang maraming kadena na may matalas na talim sa dulo.

Ngunit... Sa hindi niya malamang dahilan ay hindi niya nagawang pigilan ang mangyayari.
"Radar!" ang nagulat na sigaw ni Healer nang makitang tumusok ang matalas na dulo ng mga kadena sa dibdib ng binata.
Amoy ng bakal ang tila sumundot sa pag-amoy ni Silver. At nang lingunin niya ang kaibigang si Radar ay unti-unti nang pumapatak ang dugo nito sa lupa.

Mabilis na hinugot ng kalaban ang kadenang may talim mula sa katawan ng kaawa-awang binata, na babagsak sana ang katawan sa lupa ngunit mabilis na kumilos si Ferro upang saluhin ang katawan nito.
"Brother!" ang garalgal na sigaw ni Ferro na halos manghina nang makita ang masaganang dugo ng kaibigan. Ang bibig rin nito ay naglalabas na rin ng dugo na lalo niyang ikinataranta.

Isang malakas na paghalakhak ang maririnig sa kagubatan mula sa nilalang na kaharap nila.
"Huwag na kayong mag-asam na matatalo ninyo kaming mga Crimson Commanders? Nanaginip lamang kayo, kung iyon ang iniisip ninyo," ang babala ng babaeng Commander at saka tinanggal nang tuluyan ang kan'yang cloak. Lumantad ang kulay berdeng uniporme nito katulad ng sa isang sundalo. Dahan-dahan itong naglakad papalapit kay na Ferro at Radar, ngunit bago pa man ito makalapit sa kanila ay humarang na sina Freeze at Silver.

Silver: The Son of the Rebellion ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon