Chapter 67

69 17 0
                                    

[Silver Lining]

Nakahinga siya ng maluwag nang makita ang lalaking nakasuot ng kulay pilak na baluti. Lalo na ng dumating ang isang kilalang bayani ng Gabrelius. Si Lava Ragna. Isa sa mga namamayagpag na pangalan sa mundo ng pakikidigma. She’s wearing her red, shiny suit. Kita ang magandang hubog ng kan’yang katawan dahil sa fitted suit nito. Kasing init ng kan’yang kapangyarihan ang kan’yang awra.

“Ako ang harapin mo, Gram!” ang naibulalas niya.

Samantalang ang lalaking may suot na baluti ay lumapit kay Silver.

“Ibigay mo na sa akin ang Mahal na Prinsipe. Ako na ang bahala sa kan’ya,” ang sabi niya.

“Tumigil ka! Tatapusin ko ang laro. Wag kang makialam Argyros!” ang matinding pagtutol ni Rain na namimilipit sa sakit dahil sa kan’yang injury.

“Nakikita mo ba ang sarili mo? May injury ka. At pinapatagal mo lamang ang sitwasyon para sa kan’ya,” ang saad ni Admiral Argyros na ang tinutukoy ay ang paghinto ni Silver para sa kan’ya.

Ngunit masyadong matigas ang ulo ng prinsipe. Gusto niyang tapusin ang laro. Ayaw raw niyang mapahiya. Ayaw niyang masisi sa pagkatalo nila.

Napakuyom si Silver ng kan’yang kamao. Umabot na siya sa puntong iyon para tulungan siya. Hindi niya alam. Pero pakiramdam niya ay kailangan niyang tulungan ito. Ayaw niyang sumama pa ang tingin niya sa mundo. Gusto niyang ipakita na may kabutihan pa maging sa larong iyon.

“Sumakay ka sa likod ko. Ituloy natin ang labang ito, Mahal na Prinsipe,” ang saad ni Silver nang mayroong ngiti sa kan’yang labi.

Nagulat ang prinsipe sa sinabi nito. Hindi naging maganda ang trato nito sa kan’ya kanina pero ngayon ay tinutulungan pa siya nito. Hindi niya alam pero gumaan ang loob niya sa taong kaharap. Nagtiwala siyang muli. Pakiramdam niya ay ligtas siya sa kan’ya.

Silver,” Ang nasambit niya sa kan’yang isipan nang paulit- ulit.

Paghanga. Iyon ang nararamdaman ni Jarrett sa binatang si Silver. Hindi niya akalaing may katulad pa niya. Napamaang siya. Tila nakakita siya ng liwanag at pag-asa mula sa madilim na kalangitan. Silver, ang ibig sabihin nito ay pag-asa.

Napalingon siya kay Professor Techno na noon ay may kakaibang kinang sa kan’yang mga mata. Sumilay ang ngiti sa kanilang mga labi.

Kabutihan...

Mayroon pang natitirang kabutihan, katumbas ng pag-asa sa mala-karit-an na mundong kanilang ginagalawan. Hindi pa iyon ang simula ng pagkabulok at pagkasira ng mundo. Hindi pa iyon ang karit-an.

“Gusto kong makilala ang batang iyan, Professor,” ang saad ni Jarrett na may ngiti sa kan’yang labi.

“Ako rin,” ang nasambit ni Professor Techno.

Malapit na. Malapit na nilang marating ang first terminal. Sa mga oras na iyon ay ang Lion Guild ang nangunguna. Kapag naipasa na niya ang dagger sa kakampi niyang si Race ay tiyak na ang kanilang pagka-panalo. Napangiti siya. Mukhang sila na naman ang panalo.

Samantalang si Silver ay pilit na humahabol. Pinindot na rin niya ang switch ng kan’yang earpiece para makasagap ng impormasyon tungkol sa kung sino ang nangungunang guild.

“I’m sorry, Fang,” ang sabi ni Silver nang marinig ang malutong na sermon ng kanilang leader.

“Siguraduhin mo lang na hindi tayo matatalo dahil sa ginawa mo!” ang babala ni Fang.

Napatawa si Silver.

“Yun lang ba ang pinoproblema mo?” Ang tanong ni Silver sa kan’ya nang may malapad na ngiti.

Silver: The Son of the Rebellion ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon