Chapter 71

71 17 0
                                    

[Chaos]

Natapos na ang speech ni Emperor. Pagkatapos ay ipinakilala naman sa lahat ang dakilang Big Three ng Sixteenth Generation Heroes. Ikinagulat ng lahat nang malamang mga babae ang mga ito. Ang Top three na si Belladona the poison user. Ang Top two na si Inferna ang hell fire user at ang Top one na si Negate, ang nullifyer. At ang isa pang nag-pakilabot sa kanila ay ang malamang lahat ng Big three na iyon ay nagmula lahat sa Asthoria at ang tatlo ay nagmula sa Wolf Guild.

Sila ang mga seniors nina Fang sa Wolf Guild. Sila ay naging parte ng tinaguriang traitor's guild na ngayon ay namamayagpag sa mundo ng mga bayani.

"Mukhang namamayagpag ngayong taon ang Wolf Guild," ang bulong ng isang lalaking estudyante mula sa kalayuan ngunit malinaw na naririnig ni Silver na noon ay namamangha rin sa mga nalaman niya sa araw na iyon.

"Ang galing ng Wolf Guild hindi ba?" ang tanong ni Ferro sa kaibigan na si Silver.

"Kaya nga hindi ko lubos maisip kung bakit sinasabi nilang tapunan ng mga walang kwentang flairseekers ang Wolf Guild. Samantalang sa guild natin matatagpuan ang dyamante na hindi nila sukat akalain. We are not the Uncrowned Kings and Queens anymore. We are the Deity of the forest. The Hunters and Huntress of the Jungle," ang mahabang litanya ni Silver na noon ay nakatuon ang paningin sa Big Three.

Nang matapos ang ceremony ay nagtipon-tipon na ang lahat ng Wolf Guild. Nilapitan nila ang mga dating Seniors nila, ang Big Three. Ipinakilala ang mga bagong members na sina Silver, Death at Freeze. Ipinakilala rin nila ang isang member na nagngangalang Gold ngunit mukhang hindi raw nito sinipot kahit ang ceremony. Magkakaroon pa raw sila ng isang bagong member ngunit hindi pa rin ito nagpapakita.

Pagkatapos ng isang reunion sa pagitan ng mga juniors at seniors ay nagpaalam na sila sa isa't isa. Magkita na lamang daw sila sa mga susunod na araw pagkatapos ng isang misyon na kanina lamang din daw dumating.

Tila ba nakaramdam ng lungkot si Fang sa mga sinabing iyon ng dating leader nilang si Negate. Tila ba may alam siyang nakatakdang mangyari na hindi aasahan ng lahat. Mukhang iyon raw ang magiging hudyat para sa isang mas nangunguna at mas malawakang alyansa sa hinaharap. At ang pinakamasama, isang malawakang kaguluhan.

Pagkatapos ng tagpong iyon ay nagpaalam naman sa isa't isa para pumunta sa kanilang magiging klase. Sina Silver, Ferro, Speed, at Kick ang naging magkakasama dahil magkaklase silang apat. Si Freeze naman ay nanatiling gustong mapag-isa kaya iwas na iwas ito sa kanila. Ni ang sumabay o sumunod sa kanilang paglalakad ay hindi niya ginawa. Tila ba hindi niya kamiyembro sa guild o kilala ang mga ito. Ganoon rin si Death na mas piniling mag-isa kaysa makasabay na maglakad kasama ang apat na iyon.

Kakaibang pag-titig. Iyon ang nararamdaman nilang apat habang naglalakad sa corridor ng Asthoria sa gitna nang hindi mahulugang karayom na mga estudyante. Nakakarinig pa nga sila ng bulong-bulungan tungkol sa ginawang himala ng guild nila para manalo.

Hindi rin nakaligtas ang pagkamatay ni Seren, ang High Priestess. Naririnig ng malinaw ni Silver ang bulong- bulungan. Ang iba ay naiintindihan siya ngunit hindi niya mapapakiusapan na maniwalang ginawa niya ang lahat para iligtas ang High Priestess. Hindi maiwasan ang paninisi mula sa ilan.

"Malakas ba talaga iyan? Bakit namatay ang High Priestess?" Ang bulong ng isa. Tumatagos ang sakit sa kan'yang puso.
Kung alam lang sana niya na ganoon ang mangyayari, sana raw ay naging mas malakas pa siya. Sana raw ay mas pinili niyang abutin nang mas mabilis ang kan'yang mga kamay at iniligtas siya. Hindi raw sana siya namatay. Hindi raw sana namatay ang kan'yang kaibigan.

Tumigil sila sa isang malaking double door na may kakaibang disenyo at magandang pagkaka-ukit. Naka-ukit roon ang mga simbolo ng hayop na mayroon ang Asthoria. Dahan-dahan iyong itinulak nina Silver at Ferro at sumabog ang kakaibang liwanag sa silid-aralang iyon. Bumungad sa kanila ang mga kisameng halos mapuno ng mga mararangyang chandeliers. Sa gilid nito ay ang mga candle holders na sumasayaw sa ere kasabay sa orchestra na itinutugtog ng mga ligaw na kaluluwa.

Silver: The Son of the Rebellion ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon