Chapter 10

162 24 0
                                    

[Two Headed-Wolf]

He is a man with authority. From his posture and voice, the big waves of the sea will stop if he wants them to, and a glimpse in his eyes shows that he almost killed a million camels in the desert. It's burning your soul.

"Ang two-headed wolf," ang mahinang nasambit ni Shadow na halos nagngingitngit sa inis.
Mukha namang napansin ni Aero ang malaking question mark sa mukha ni Silver, kaya magtatanong pa lamang siya ay sinagot na niya ang malaking tanong sa isipan ng kaibigan.

"Sinabi na namin sa'yo, walang pagkakaisa ang Wolf Guild, dahil sa dalawa ang pinuno nila, dalawa rin ang layunin nila. Si Fang, ang orihinal na leader ng Wolf Guild, ang may mabuting hangarin para sa guild, at si Beast, ang ikalawang utak ng Wolf Guild na siyang dahilan kung bakit nagiging masama ang turing ng mga tao sa ating mga Asthorian, Two-headed wolf ang bansag sa kanila, sa kadahilanang 'yon," ang pagpapaliwanag ni Aero na nakapagpa-isip kay Silver. Kung paano niya pakikisamahan ang bawat miyembro ng Guild na iyon na sinasabing pinaka-pasaway at pinakamagulo sa lahat.

"Ano pang hinihintay mo, Silver? Embrace your new guild," ang sabi ni Head Master Duke na may napaka-inosenteng ngiti. Ngunit mariin iyong tinutulan ng ikalawang lider ng Guild.

"Pasensya na tanda, pero meron na ba akong sinabing tinatanggap ko na siya sa Guild namin?" ang tanong ni Beast na may kakaibang pagtitig kay Silver. Isang pagtitig na kumikilatis sa kan'yang pagkatao hanggang sa kaluluwa niya. May pangmamata; may pagkasuklam; kawalan ng pagtanggap.

"Tama si Beast. At isa pa, Head Master, hindi ko sinasang-ayunan na mapunta ang Ginoong ito sa Wolf Guild. Baka po nakakalimutan n'yo lang, na may posibilidad na mabuwag ang Wolf Gluild?" ang muling pagtutol ng Propesor na nakasuot ng eyeglasses at formal suit.

"Alam mo Professor Wizdom, kahit yata sa hinuha ay hindi ko nakikitang mabubuwag ang Wolf Guild. Naniniwala pa rin akong maaayos ang sistema nila," ang positibong sagot ni Head Master Duke.

"Pumayag na ako. Ano bang problema do'n, Professor Wizdom?" Ang may inis sa tonong tanong ni Fang. Noon pa man ay alam na ng lahat na may alitan sa pagitan ng lider ng Wolf Guild na si Fang at ng adviser ng Lion Guild na si Professor Wizdom. Isang bagay na lihim pa rin sa karamihan.

"Tumahimik ka! Wala kang karapatan na makisabat sa usapan namin," ang sabi ni Professor Wizdom sa tumataas niyang tono.

"Pero tungkol sa Guild namin at sa batang ito ang pinag-uusapan n'yo kaya siguradong may pakialam ako," ang sagot ni Fang na nakangiti pero mababakas sa kan'yang mukha ang pagka-inis.

"Wag mong balewalain ang desisyon ko, Fang. Kaya makinig kang mabuti. Hindi ko tinatanggap ang bubwit na 'yan," ang pagmamatigas ni Beast.

Sigurado siya sa kan'yang desisyon at tila wala nang magpapabago pa. Ngunit isang ngiti ang sumilay sa sulok ng labi ni Fang. Isang bagay na gamay na niya. Ang magta-an ng bitag upang sakmalin ng isang halimaw na katulad ni Beast ang pinaka-gusto niya. At sa pagkakataong iyon ay bihag na siya sa patibong na inihanda niya.

"Bubwit ba ang tingin mo sa kan'ya?" he laughed.

"Ang lobo, maamo lang sa unang tingin. Pero kapag nakuha na niya ang loob mo, bigla na lang silang magiging tuso at sasakmalin ka ng walang kalaban-laban," Ang simple ngunit makahulugang nasambit ni Fang, pero mas tamang sabihin na, mapaglaro.

Sanay siyang magpaliyab ng apoy kesa ang maging isa sa panggatong na siyang lilikha ng sunog.

"Sinasabi mo bang ang bubwit na ito ay kaya akong patumbahin?" Halos magtagpo ang mga kilay ni Beast sa gitna ng kan'yang noo.

"Bakit di mo subukan nang makita mo?" ang paghahamon ni Fang at ang resulta ng mapaglaro niyang mga salita.

Isang pagtingin ang ipinukol ni Beast sa lampayatot na baguhan. Tila isang lason ang kan'yang mga tingin na unti-unting nagpapamanhid sa kan'yang buong katawan. Muntik nang hindi mahigop ng utak niya ang ibig sabihin ni Fang. Ang duwelo sa pagitan nilang dalawa ang gustong mangyari ni Fang.

Silver: The Son of the Rebellion ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon