Chapter 4

188 27 0
                                    

[Omen]

Panaginip iyon sa paningin ni Sylvester. Ang lugar na iyon ay tila sa libro lamang ng mga normal na tao makikita. Mula sa bintana ng karawahe ay natatanaw niya ng malinaw ang isang malaking bayan na hugis clover leaf. Nasa itaas na bahagi ang napakaganda at napakataas na kastilyo, at sa gitna ng bayan ay doon makikita ang isang nakamamanghang paaralan. Iyon raw ang Asthoria, kung saan siya mag-aaral. Naitanong rin niya ang labingdalawang dome-shaped na mga gusali. Iyon raw ang labing-dalawang chambers ng labing-dalawang guild na maaari niyang kabilangan. Nakita rin niya ang isang lugar kung saan abala at nagkukumpulan ang mga tao, ang Central town ng Gabrelius.

Nabigla pa siya nang makita ang ilang mga kabayong may pakpak na malayang lumilipad sa himpapawid. May solo at nakamamanghang pagmasdan ang grupong mga kabayo na sabay-sabay ang pagkumpas ng mga paa sa pagtakbo sa himpapawid.

"Lalanding na tayo Syl. Maupo ka na," ang payo ni August na mabuti na lamang ay kan'yang sinunod dahil kauupo lamang niya, ay naramdam kaagad niya ang pressure sa kan'yang tenga.

Maayos silang nakalapag at tinahak ang isang kalsada kung saan nakikita niya ang pagkaway ng ilang mga tao. Tila ba kilala nila ang mga taong nakasakay sa loob ng karawahe. Gusto niyang isipin na panaginip iyon, pero kagigising lamang niya. Sa isip niya'y walang masama kung susulitin niya ang lugar na iyon kung panaginip nga iyon.

"Maniwala ka na Mister Del Grande. Hindi ito panaginip," ang paninigurado ni Ma'am Mistery na ikinangiti niya.

Sinang-ayunan iyon nina July at August. Pinuri pa nga siya, dahil bagay raw sa kan'ya ang uniporme ng Asthoria sa kan'ya. Ikinabigla rin niya iyon dahil hindi niya napansing nagbago na pala ang kan'yang kasuotan.

"July, ito ba ang uniform ng Asthoria?" ang tanong niya.

"Yes. This is one of our uniforms. We're still on vacation, so we're wearing this. But when the real hell begins, we'll change our uniforms,"

"And one more thing, please don't call me July. I am not July in Asthoria-that was merely a fictitious identity I assumed while on a mission in your realm. Call me Aero, that's my code name," Aero explained.

"Shadow naman ang code name ko," ani August.

"E, si Ma'am Mystery?" ang tanong ni Sylvester.

"Just call me Professor Mistyrie," Professor Mistyrie said with a smile.

"Then how about me? What is my code name?" He asked. He's still baffled.

"Ang mabuti pa, pumunta tayo sa tanggapan ng Asthoria. Ipapakilala ka namin kay Ginoong Smoke. Siya ang nag-aasikaso sa mga records ng new students ng Asthoria. He and his computer will take care of you," ang pahayag ni Aero.

Tumango si Sylvester bilang pagtugon sa sinasabi nila. Matapos ang ilang minutong paglibot ng karawahe ay tumigil ito sa tapat ng isang malaki at vintage na gusali na kaagad nilang pinasok.

He still can't believe this insane world exists. He had the impression he was in a virtual world. Everything is strange. Some of the doors are moving. The paintings are speaking, and a skeleton is freely walking along the corridor.

Shadow muttered, "Syl, we're here," but he can't see anything. It's simply a wall. But it has a word inscribed on it. The Magical Registry Office.

Silver: The Son of the Rebellion ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon