Chapter 1

24K 345 15
                                    

"S-sir?"

"Your fired!"

Sumasakit ang ulo ko dahil may anomalya sa aking Kompanya.

"S-sir maawa po kayo, wala na po akong mahanap na trabaho,"

Tiningnan ko ito.

"Then ayusin mo ang iyong trabaho!"

Nanginginig na Tumango ito .

"Get out!"

Fuck!may nag hack sa account ng company! Halos bilyon ang nawalang pera.

Hindi ma detect ng pulis ang account at email ng hacker!

"Sir? Nandito po si Sir Kier,"saad ng secretary ko.

Tumango lang ako.

"Bro?"

Tiningnan ko si Kier, matanda lang ako sa kan'ya ng 11 months.

"What happened?"

"I lost billions in my company,"

Napabuntonghininga ako.

"Alam niyo na kung sino ang hacker?"

"Hindi pa namin ma detect, sobrang maingat at hindi basta-bastang hacker lang ito, sobrang galing at ang dali lang sa kanya makuha ang pera!"

"Okay, tutulong ako,"saad ni Kier.

"Thanks bro,"

Napahilot ako sa aking Sentido.

Nakita ko na nakangisi si Kier sa akin.

"Why?"nagtatakang tanong ko dito.

"Alam ko na kung sino,"

Napatayo ako.

"Who!''

"Bakit mo kasi binangga si Z?"

"Z?"

"Yeah,si Ziandra Athena Santiago,"

That spoiled brat!

"Kakausapin ko na lang siya,"saad ni Kier.

"No! Ipapakulong ko siya!"gait na sabi ko dito.

"Baka hindi lang pera ang mawala sa iyo, baka pati company mo,"natatawang sabi ni Kier sa akin.

Napanganga ako na nakatingin sa kan'ya.

"Tuso si Zia bro, napakatalino, she's a Soldier and a Doctor too, at kasamahan ko siya sa underground, kahit ako or kami sa underground hindi namin pinapakialaman iyan, dahil mas malupit siyang gumanti," tumatawa na saad ni Kier sa akin.

Fuck!

Wala namang akong ginawa sa kanya ah, puwera lang noong sa Italy na Kasama ko ang dating ex-girlfriend ni Zack tapos bigla lang ako inaway.

Sumasakit ang ulo ko sa babaeng iyon!

"Sige na, kakausapin ko na lang siya, or kausapin mo siya kung hindi ko mamaya makiusapan,"

Tumango lang ako.

Nandito na kami nakatira sa Pilipinas simula nag asawa si Kelly.Si Mommy at Daddy naman nasa States pa rin sila.

Meron din sariling kompanya si Kier na pinapatakbo.Sa Tanang buhay ko bilang isang CEO ngayon lang ako nagkaproblema ng ganito, simula dumating si Ziandra sa buhay ko puro kamalasan at gulo ang binibigay sa akin.

***********†******

Nakangisi akong nakatingin sa isang big sindicate na nahuli namin sa drug buy bust operation.

"Pagbabayaran mo ito, Santiago!"

"Kapal mo, wala akong utang sa iyo!"

Tinalikuran ko na ito at sumakay na sa kotse ko.

Umuwi muna ako sa bahay,nadatnan ko si Drey Monteverde at ang asawa niyang si Jane.

"Hey,"bati ko sa kanila.

"Zia,"tawag ni Drey.

"What's up, Drey? How are you?"Tanong ko dito.

" I'm really really good now, and I'm here to say thank you,"

"Welcome, sadyang hindi mo pa katapusan,"

"Thank you again Zia,"saad naman ni Jane.

Ngumiti lang ako dito.

Yeah, kasama ko Dr.Rivas na nag opera kay Drey.Isa rin akong surgeon Doctor, pero for now I choose to serve the country.

Nag paalam na ang mag-asawa na uuwi na ang mga ito.

Nakita ko si Zen na kababa niya lang panay pa ang hikab.

"Ate,"bungad na sabi niya sa akin.

Kumukuha rin ng kursong Doctor si Zen.

At her age 18 gagraduate na ng college at diretso sa med course ito.

Matalino si Zen, of course kaming dalawa.Si kuya Zack naman, well ayos din, nakakabuwesit lang ang pagiging babaero pero may isang babae na kinababaliwan niya ngayon, si Kara.

"Nandito sila Mommy?"I ask Zen.

"Nasa Canada sila ni Dad,"

Halos apat na araw hindi ako umuwi dito dahil sunod-sunod ang operation namin sa mga big sindicate.

"Akyat muna ako,"saad ko dito.

Umakya muna ako sa kuwarto ko at naligo.

Naka received ako ng email galing kay Kier Harrison.

Napangisi tuloy ako .

Magkita daw kami sa Underground.

Alam ko naman na kausapin niya ako tungkol sa Company ng kapatid niyang si Kiel.

Putang-ina, wala na ba talaga naisip ang mga magulang nila ng ibang pangalan, talagang sa huling letra lang ang nag kaiba.

Kier Harrison and Kiel Harrison, mga kapatid sila ni Kelly Harrison Kingston, si Lewis Kingston ay apo ng Bise Presidente ng bansa, na ako dati ang isa sa naging bodyguard nito.

Mamaya pupunta ako ng Underground, ang tagal ko na hindi na nagpakita sa kanila dahil kung saan saan ako nakadistino.

I stopped also accepting a mission na galing sa Black Underground.

Napangisi ako, alam ko kumukulo na ang dugo ni Kiel sa nangyaring anomalya sa kanyang Company.

Nagsisimula pa lang ako Kiel.Wala pa ako sa gitna!



Assassin's PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon