Chapter 3

13 4 0
                                    

A persistent hurricane - Jarvis Silverio
——————————————————————

Malaking ngise ang ibinungad ko pagkabukas ng malaking gate sa purgatoryo. Isang taong nakangiti pabalik, isa namang walang pakealam, at ang huling tao ay nakasimangot.

"Sabi ko na nga ba babalik kayo, eh! Buti nakahanda na ako!" dumestansya ako ng kaunti, "Pasok kayo, pasok! Huwag kayong mag-alala kabayo lang meron ako!" hagikhik ko na ikinatawa naman ng babaeng di ko pa nakilala.

"Ayos lang po kami, Ma'am! Si Senyorito nalang po!" she pushed her boss recklessly towards the opening of the gate which made me raise my brows.

Aba, sana all close!

Hindi naman ako pumayag doon at kinaladkad na siya mismo papasok para lang sumunod ang dalawang lalaki. And they did!

"Ano pala gusto mo itawag ko sa'yo?" tanong ko sa halip na direktang itanong ang pangalan niya.

For the second time, she made me raise my brows when I heard her laugh. Buti nalang di ako napahinto sa paglakad. Ikaw ba naman makarinig sa mala-Donald Duck nitong tawa.

"Just call me Marites!" nakabawi naman ako at patango-tango siyang sinagot.

"Pangalan mo 'yan?" umiling siya.

"Leonora pangalan ko, ang Marites ay pang sideline kapag may chismis." at hagikhik. May chismis ba ngayon? Ba't di ko alam?

Natawa nalang ako doon kahit hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. I ushered them towards the table I especially prepared for them. I happily called Umaga who just came out of nowhere. May bakas na damo ang mukha niya at mukhang kakagaling lang kumain dahil ngumunguya -nguya pa ito.

"Hi morning!" bati ko kay Umaga at hinalikan ang noo bago inamoy amoy ang batok nito sabay hagod sa katawan. Umaga seems to like what I did when she continuously whinny.

Sabay kaming humagikhik ni Marinora bago siya lumapit para yakapin sana si Umaga kaso biglang nataranta yung kabayo kaya mabilis siyang nahila ng malaking lalaki palayo.

I could only laugh at their faces when I realized how they assumed that Umaga might kick her. Hinimas ko nalang si Umaga atsaka pinatakbo sa kung saan niya gusto. I then diverted my attention to them and smiled apologetically.

"Ahm, advice lang. Huwag kayo lumapit kay Umaga mula sa likod, baka humiwalay kaluluwa niyo sa katawan niyo, hehe." nahihiya kong biro na seryoso, kasi seryoso naman talaga yun.

Everyone seated except for one person. Napatingala si Marinora kay Jarvis at nagtataka itong sinundot sa giliran, "Leg day niyo ngayon, Sir?"

Natawa ako sa mukha nito nang hindi niya maintindihan si Marinora. "Baka gusto niyo umupo, Sir?"

Bago paman makatanggi ay ako na mismo ang nagtulak sa kaniya paupo. I even felt him stiffen when my palms touched his back. Bahagya siyang tumingala sa akin at mabilis na nag-iwas nang magtama mga mata namin. Napanguso ako doon. Nahiya o kinilig? Hmm...

In front us is a wooden picnic table with seats attached to two sides. There was a table cloth underneath the foods I prepared. Kahit paman pinaghanda ko 'to dahil birthday ng alaga ko ay naghanda naman ako ng pagkaing makakakain ng tao, syempre. May mga prutas, pansit, lumpia, orange, at syempre, mawawala ba yung slice bread? Birthday party kaya 'to!

"Wow! Ikaw nagluto, ma'am?" mangha na si Marinora.

Masaya akong tumango habang kumakagat ng lumpia. Paborito ko 'to!

Napangita ako nang makitang boluntaryong kumuha siya na kaagad namang siniko ng malaking tao sa tabi niya. "Ano?! Ipapakain sa'tin 'to ni ma'am! Di naman siguro tayo papaupuin para panoorin siyang kumain." musot niya bago ngumuya.

The Hurricane in the Oasis (Hacienda Silverio #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon