Chapter 2

36 9 3
                                    

She was the hurricane that has no exact route. - Jarvis Silverio
——————————————————————

Lumabas ako sa mansyon na may malapad na ngiti. Bumati naman sa akin ang masinag na araw at mapayapang kalangitan. The birds seemed overwhelmed, too, by my discharge through their beautiful dawn chorus in the sky.

Mayabang akong naglakad pababa sa isa sa kambal na hagdanan at garbong nag-inat nang masilayan ang nakabusangot kong kaibigan.

"Tara sa Old Age. Shot." tungga ko sa ere pero iningusan niya lang ako.

"Kalalabas mo lang, gusto mo na namang makulong. Wala ka na talagang magawa sa buhay mo, no?"

Kibitbalikat na naglakad nalang ako papunta sa cabriolet niya. Sumunod naman siya habang pinagsasabihan ako. Like what I did to the words Glorion fired last two days ago, ipinalabas ko lang rin ang lahat ng sinabi niya sa kaliwang tenga at isinuot ang dalawang airpods.

Nakita ko ang pag-irap ni Ylliad kaya napahalakhak nalang ako sa hangin. Kasabay dun ang pagtaas ng mga kamay ko sa ere at dinamdam ang sampal ng preskong hangin ng umaga. At katulad ng nakagawian sa tuwing makakalaya sa kamay ni Glorion ay ganoon rin ang ginawa ko.

"Itili mo na lahat baka panghuling labas mo na'to." asar ni Ylliad kaya sinipa ko nalang gamit ang kulay maroon na ankle boots ko.

His warm laughter collided with the cool breeze that swarmed around us, hindi ko mapigilang mapangiti doon.

It's a good thing I still have someone by my side who is always prepared for the rebels I do.

Agad na nagsalubong ang mga kilay ko ng makita ko ang daang tinatahakan namin makalipas ang kalahating oras. Pinagkunuton ko siya ng noo at tinadyakan ang hita, "Ba't tayo pupunta sa purgatoryo?!"

Napangiwi siya sa sakit, "Kasi kukunin ka na ni Satanas."

Mas nilakasan ko pa ang pagpatid kaya gumiwang ang kotse, "Eh, ano sa tingin mo? Konsehal ako kaya hindi ko dapat suwayin ang utos ng mayor." bugang hangin niyang sambit.

Wala akong nagawa kundi mapahalukipkip nalang at inis na pinanood ang pagkain namin sa daan patungo sa isang maburol na lupain.

I glanced up to the horizon where Umaga was standing. May katabi itong lalaki na nag-aalaga sa kaniya. They were silhouettes in my view but perceptible for there were nothing more but a vast of green grass in the field. Isang puno, walang mga bulaklak at ibang halaman, at purong isang country house lang na mayroong balon sa harapan nito. It was my place, also referred as Purgatory—siyempre gawa-gawa ko lang 'yon dahil bukod sa malapit ito sa langit, pang-pang naman ang nasa likuran ng bundok na iyon, kaya para na ring papunta sa impiyerno.

Rinig ko ang pagtigil ng cabriolet at ang pagbati ng dalawang guwardiya. Masuyong ibinalik naman ni Ylliad ito habang nagkipag-fist bump lang ako sa kanila. Natatawang nailing ang mga ito sa ginawa ko bago ako ulit bumagsak sa upuan.

Pagkapasok sa bahay ay napahilata agad ako sa kama, panay pagbuntonghininga habang nakatitig sa kisame. Like a cycle that is constant and unchanging, my life can be considered as boring as the well in front of my house. Bukod sa hindi pwedeng pagdesisyonan ang sarili, ay wala na ring patutunguhan.

The only thing that differs us is that it has purpose.

How worse can my life get when every yesterday will still be my tomorrow?

Wala sa sariling tumayo ako at pagod na tinungo ang isang malaking pintuan na may malaking manibela ng barko bilang busol. Ipinihit ko ito upang makapasok. Nang mabuksan ay humugot naman ako ng malalim na hininga bago pinakatitigan ang tahimik na silid.

The Hurricane in the Oasis (Hacienda Silverio #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon