Chapter 8

5 1 0
                                    

Letter and Chords
——————————————————————

"You're staying in Solidor tonight, no ifs and buts." utos ni Ylliad sa akin pagkalabas sa clinic ni Doktora Xu.

Sinimangutan ko lang siya atsaka humarap papunta sa kotse. Matirik ang araw kaya halos papikit na akong naglakad. When we got inside the car, I sighed.

Ito na naman...

Isinandal ko ang ulo sa bintana nito at malayo ang tingin na iniisip ang mga sinabi ng doktor kanina.

It's not new to me to learn how my illness grows worse every time I visit my doctor. Laging ganito. Na sa tuwing natapos ay sasabihin ni Ylliad sa akin na sa bahay muna manatili. Na sa tuwing papauwi ay tanging makina lang ng kotse ang nagsisilbing ingay. At hanggang sa makauwi ay doon na lamang nito ako kakausapin bago tatalikod upang maimporma si Glorion sa resulta.

"Magpahinga ka na. Ako na bahala nito." mahinahong pagkasabi niya na tila ba'y mas nasasaktan ito gayon ako naman ang may sakit.

Tumango ako at padarag na umakyat ng hagdanan. I immediately change into comfortable clothes before seeking comfort in my bed.

Pumasok ulit sa isipan ko ang mga sinabi ni doktora kanina. I'm in stage 2. And now that I have—unfortunately—reached that stage, it will be less easy for me to hide the symptoms. It will be more difficult for me to manage them and it may also affect my daily activities. I'd be taking new medicines and it'll take me hours of dialysis. But being imprisoned inside the house until Glorion allows me to if far worse than all of that.

I let out a deep sigh. But they're not exactly new to me. I've been dealing with swells for the past two years and have had to deal with dyspnea, even, that it became a routine for me that I simply grew accustomed to it. I mean, they're already there, you know...so I have no other choice but get used to them.

Napatitig ako sa kisame.

Despite my best efforts to adapt, I can't help but feel bad for myself. I feel bad for what I should have become last two years.

How would my life have turned out if I hadn't gotten this? Do I get to leave Everett Valley and travel? Will I be able to pursue music? Do I get to provide Glorion any greater serenity in life if I was not around?

Napabuntonghininga ulit sa mga naisip. Kung hindi lang sana ako biglang nagkasakit, those questions would have been answered, o baka nga siguro ay hindi ko pa iyon matanong at paniguradong hindi ko rin naiisip ang lahat ng ito. I would just live and laugh and be able to do everything I want! Like how life is supposed to be.

Umaga nang marinig ko ang katok na nanggaling sa aking pintuan. Hindi pa man ako nakamulat ay naramdaman ko na ang marahan tapik ng kasambahay.

"Madame Ella? Gising na po ba kayo? Oras na po para kumain kayo.." at nilapag ang dala sa mesa na nasa tabi ng higaan ko.

I stretched and yawned before I paid attention to the foods she served. Binati ako nito ng magandang umaga atsaka nag-umpisa nang pakainin ako.

Napamusot naman ako sa ginawa niya, "Jenna, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ako balbado?"

Bumungisngis si Jenna, "Gusto ko lang po na mapadali ang buhay niyo, madame."

Ipinilig ko ang aking ulo at tinaasan siya ng kilay, "Kung gusto mo, dalhin mo'ko sa rancho dali! Mangangabayo ako." sabay inat at tatalon na sana paalis ng kama pero mabilis niya akong napigilan.

"Madame naman! Alam niyo naman pong hindi pwede!"

Tinawanan ko lang ito, "Jenna, kung may mangayare man sa'kin, ayos lang dahil hindi naman sa'yo—"

The Hurricane in the Oasis (Hacienda Silverio #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon