Liability
——————————————————————"Jenna, ba't hindi nalang ikaw ang gagawa nito? Hindi naman na kailangan ng nurse."
Nginisehan lamang ako ni Jenna habang nag-aayos sa machine na gagamitin ko mamaya. "Alam mo naman ang daddy mo, madame, gustong-gustong makasigurado na nasa mabuti ang kalagayan mo." sinuot niya ang dalang gloves bago nag-umpisang e-sanitize ang mga gagamitin.
I scoffed and doubted what she exclaimed. Kilala ko si Glorion at alam ko kung bakit niya gustong-gusto na gumaling agad ako.
For him, I'm a liability. At ayaw niya iyon dahil nahaharangan yung mga nais niyang gawin bilang mayor. He doesn't want anyone outside this house know about my condition. Ayaw niyang may marinig at ayaw nitong kaawaan kami. So if possible, he needs me to heal as soon as possible.
"Atsaka po, madame. Hayaan niyo nalang. Sobrang demand ng nurses ngayon ngunit sobrang baba naman ng kanilang sweldo. Hayaan mo nalang tulungan ni mayor ang nurse mo. Kung hindi niya man maligtas buhay mo, at least ikaw, naligtas mo—joke lang kasi, madame!" at nakayakap tiyan na tumatawa.
Matalim na tiningnan ko siya at umingos, "Dapat talaga magsama kayo ni Ylliad! Ugali niyo parang kalalabas lang ng impyerno!" sabay bato sa kaniya ng unan, buti nalang at hindi iyon tumama dahil kapag may sira ang machine, baka bulyaw na naman ni Glorion ang kahahantungan ko.
Ilang minuto bago nila ako sinimulan. Mahigit dalawa o tatlong oras ang pagda-dialysis ko kada tatlong araw. Kaya minsan ko lang rin nakikita ang nurse ko. Naalala ko na Marjorie ang pangalan nito, tahimik siya kaya iyon lang ang alam ko tungkol sa kaniya. Magaling naman siya at may mahabang pasensya pa kaya kahit na ayaw kong may nurse ako, hindi ko rin kayang pagtabuyan siya dahil na rin sa sinabi ni Jenna sa'kin.
Alas deiz noong magsimula ulit akong magguhit. Araw-araw akong nagguguhit kaya araw-araw ring may perang pumapasok. Hindi naman kalakihan pero sapat na iyon, wala rin namang akong gagawin doon kasi nasa bahay lang naman ako palagi.
Ilang araw ulit ang lumipas bago ako nakalabas. Halos mapunit na ang mukha ko kangingiti pagkatapak ng centro. Hindi naman sa bawal akong lumabas habang nagda-dialysis, sadyang mahigpit lang si Glorion sa akin. But I disagree to that. Takot siya kamo na may makakita sa'kin na may nakadikit na tube sa tiyan. Ang oa! Hindi naman ako gumagalang nakahubad!
"Iyan na ba lahat ng kakailanganin mo?" tanong ni Ylliad habang pinaglalaruan ang susi ng cabriolet niya.
Umiling ako sabay kuha sa isang water gun na nakasabit lang sa gilid ng stall.
I heard him groaned, "Do you even need that?" binungisngisan ko lang siya at nagtungo na sa counter.
Nasa isang convenient store kami ngayon, namimili ako ng mga kailangan kong gamit at dahil isang buwan rin akong hindi nakalabas ay pinag-iigihan ko nang mabili ang lahat ng gusto ko kahit hindi ko man ito kailangan. Ayos lang kasi kay Glorion naman pera ang gagamitin!
Pagkalabas ay agad na napatingala ako sa malaking dome sa harap. My mind suddenly went back to the time when I was ten years old. Lagi akong nakatambay dito sa loob habang nanonood kay mama na natutugtog. Hindi ko makalimutan ang mapayapa niyang mukha sa tuwing nasa harapan siya ang piano at sa tuwing may tinuturuan siya. Huli ko siyang mapanood na masaya ay noong labing-isang taong gulang ako, Charter's day at nasa harap kami ng concert.
BINABASA MO ANG
The Hurricane in the Oasis (Hacienda Silverio #2)
RomanceTwo people, one vast land, and a hurricane. Can there be a sprout between them? Or rather a drought? *** Musician Jarvis Silverio came back to Hacienda Silverio in abrupt---no plan, pure impulse. He wanted to find himself and ascertain what was lack...