She was the hurricane unannounced by the weather forecast. - Jarvis Silverio
——————————————————————Malakas akong napasigaw nang makarating sa linya at masira ang tali. Sa pagsigaw ay ang sunod-sunod na hiyawan at tilian ng madla. Iniangat ko ang suot na helmet at kinaway-kaway ito sa mga taong nakapaligid. The crowd exploded and whistles were everywhere.
Napangiti nalang ako sa nasaksihan. What a wonderful day to get scolded by the oh-so-outstanding-and-perfect mayor.
Mula sa sinakyan kong kabayo ay walang pag-aalinlangan akong tumalon paalis dito. Nakapamaywang na Ylliad naman ang bumati sa akin at kulang nalang na mag-apoy dahil sa galit nitong mukha.
"Akala mo ba natutuwa ako sa ginawa mo?" asik niya noong tinawanan ko lang.
Inisa-isa kong hinubad ang suot kong gloves atsaka tinapon sa mukha niya. I heard him groaned which made me simper. "Hindi ka talaga matutuwa, ako yung nanalo, eh, hindi ikaw. Inggit 'yan."
Binungisngisan ko lang siya nang madaanan at masayang nagkakaway-kaway sa mga bumabati. Sanay na ako sa madla, sanay na rin ako sa mga pekeng pampupuri nila. Wala, eh, kailangang masanay kapag anak ka ng opisyal.
Hindi na ako nagpasya na kunin ang tropiyo ko at pinabayaan nalang si Ylliad na kumuha nun. Bukod sa akin, ay sanay na rin sila sa pariwara at brusko kong ugali. Iyon ang usap-usapan ng lungsod parati, minsan na nga akong pinagkaisahan nila pero ikinatakot lang nila ito dahil kahit pa man babae ako ay marunong akong lumaban ng patas.
Kung suntukan, hindi ako nagpapatalo doon at kung gamit ang bibig, murahin ko pa sila!
Mabilis akong tumalon papasok sa cabriolet ni Ylliad at prenteng ipinatong ang mga binti sa bintana. Maraming napapatingin sa akin at bumabati na rin. At sa nakasanayan ay walang ni isa sa kanila ang nagdesisyon na lumapit.
Natawa nalang ako doon at isinukbit sa tenga ang dalawang airpods bago nakinig ng kanta. Marahan na ginagalaw ang binti na tinutugma sa tugtug ng kanta habang hinihintay ang mahal kong kaibigan.
I playfully roamed my eyes around to watch the people go in and out. Mainit ang panahon kaya karamihan sa kanila ay may dalang payong o di kaya'y suot na sumbrero. May iba na bihis cowboy at yung iba naman ang kasuwal lang. Masaya ko lang pinagmasdan ang paligid nang huminto ang mga mata ko sa isang pamilyar na lalaki.
Mabilis ang pagsilay ng ngiti ko sa labi at matamang pinakatitigan ito.
As befitting the artist he is, he donned a brown chambray shirt with a buttoned neck paired with a black slim pants. His boots were nearly the same color as his golden brown wavy hair, which covered his face in strands. Katulad noong una ko siyang nakita ay bitbit pa rin nito ang gitara sa likod. Kagat labi nalang akong napangiti nang maalala ang hapong una ko siyang nasilayan.
Akala ko lang kung sinong ligaw na pogi ang tumapak sa rancho kaya sinundan ko ito. Gusto ko sanang takutin pero nagbago ang isip ko nang makita ang mukha niya. He was handsome and let alone his chubby with muscles figure—ang sarap yakap-yakapin!
Iyon nga lang ay mukhang suplado. Hindi naman 'yon ang taong napapanood ko sa telebisyon, eh. Hindi naman 'yon mukha ng paborito kong musician. Nakangiti 'yon at napakaliwanag ng mukha, may malambot na puso at higit sa lahat ay palakaibigan. But the man that I met that afternoon was the total opposite.
Halos malukot na ang mukha niya noong pinanood ko siya, ang laki ng paibabang kurba ng kaniyang labi at mas lalong kumapal ang kilay nito dahil sa pagkabulasot.
Nainis ako doon kaya gusto ko sanang ipaghiwalay ang kilay niya pero noong narinig niya ako ay mas ikinasama lang ito ng timpla niya. Hindi ko tuloy mapigilan ang inisin siya.
BINABASA MO ANG
The Hurricane in the Oasis (Hacienda Silverio #2)
Storie d'amoreTwo people, one vast land, and a hurricane. Can there be a sprout between them? Or rather a drought? *** Musician Jarvis Silverio came back to Hacienda Silverio in abrupt---no plan, pure impulse. He wanted to find himself and ascertain what was lack...