Chapter 16

554 29 0
                                    

Jester's PoV

Andito ako ngayon sa abandonadong gusali na pag-mamayari ni Majesty. Kung iniisip n'yong ito lang ang kayang bilhin ni boss ay nagkakamali kayo, nako! Kahit ata kayo ay kaya n'yang bilhin! Oh, joke lang, pumapanget ka, h'wag kang magalit reader.

Pero speaking of, antagal ni boss. Agad akong dumungaw sa may siwang ng bintana no'ng may marinig ako tunog ng sasakyan na ikinataka ko. Teka, motor lang naman ang ginagamit ni bossing lagi ah? Bakit may sasakyan--

May biglang umatake sa likod ko kaya naman agad ko 'tong sinalag ng sinalag. Andami nila, ang gwapo kong mukha h'wag n'yong tatamaan!

Mga nakasuot sila ng maskara kaya naman hindi ko makita kung sino sila at kung pa'no nila natunton ang lugar na 'to. Tsk! Yari ako kay bossing!

"Kapag ako natamaan sa mukha, patutumbahin ko kayo ng sabay-sabay!" Sigaw ko bago umatake. Ni wala akong hawak na armas kaya madalas akong natatamaan ng mga gunggong na 'to. Lintik na 'yan, lamog na katawan 'ko!

Sipa dito, suntok doon pero kamalas-malasan ay nahiwa ang mukha ko! Nasuntok pa ako kaya naman napadausdos ako sa malamig na semento. Mga pashnea!

"Ang papanget n'yo!" Sigaw ko na pilit hindi pinapansin ang sakit bago sinubukang tumayo pero agad ding napahiga ng biglang may humampas ng baril sa ulo ko.

"Sa lagay mong 'yan, tignan natin kung masasabi mo pang gwapo ka." Huling sabi no'ng lalaki bago ako nawalan ng malay..

----

"Boss, tingin mo dadating s'ya?"

Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng mga nag-uusap sa harapan ko. Agad akong napadura ng malasahan ang dugo sa bibig ko. Pwe! Lasang kalawang!

Nakapiring ang mata ko at may kadena sa paa at kamay ko kaya naman hindi ako makagalaw pero sinubukan kong ilingon ang ulo ko at doon ko napagtanto na may tali din pala ang leeg ko. Anak ng tokwa!

"Kung hindi s'ya dadating, kitilan n'yo ng buhay 'yan." Sabi no'ng lalaki bago ako may narinig na umandar na kotse.

"Pano ba 'yan. Ano bang gusto mong paraan ng pagpatay namin sayo?" Tanong n'ya. Agad naman akong natawa.

"Ang bobo mo naman pre. Panget ka na nga, wala ka pang utak." Sabi ko na animo nakikita ko s'ya at kasabay no'n ay sunod-sunod na putok ng baril mula sa labas ng kinaroroonan namin. Orayt, kaya idol ko 'to eh, laging on time.

"Tangina, ano 'yon--" tanong no'ng lalaki pero hindi na s'ya nakatapos pa ng pagsasalita nang naaninag ko ang liwanag mula sa nagbukas na pinto.

"Sa'n nagpunta ang boss mo?" Tanong ni Majesty bago tanggalin ang piring ko.

"S-sa-sa..." Hindi na n'ya natapos ang sasabihin n'ya ng mapaupo s'ya sa takot ng ikasa ni Majesty ang baril n'ya. Pfft.

"Bilisan mo, nauubusan na ako ng pasensya ha, pasasabugin ko 'yang ulo mo." Sabi ni boss. Bad mood ata si bossing ngayon ah.

"Do-doon po sa s-sunod n'yang transaction m-majesty. H-hindi n'yo na po ba pa-pasasabugin ang u-ulo ko? P-patakasin n'yo na po a-ako parang awa n-n'yo na." Pagmamakaawa n'ya at lumuhod pa mismo. Tangina mo men!

Meeting The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon