Joaquin's PoV
I can't believe that i just shot my father.
But I can't help it. She called Bella a bitch and she's not so i got angry. I saw how Mr. Iverson smiled at Bella and she did the same. They look so happy.
"Okay you guys. You only have 2 choices, die or work for me. Choose wisely." Bella said before holding my hand. Akala ko naman ay tatagal 'yon pero kinuha n'ya lang pala sa kamay ko ang baril n'ya. Tsk, damot!
Halos lahat sila ay nagsibabaan ng mga armas nila at tsaka nagkatinginan.
"Great choice. You're all under my protection." She said before walking towards Chelsea who's on the floor, crying.
"And you, mapupunta ka sa dswd o kaya naman sa mental hospital ko, naiintindihan mo ba--"
Hindi na natapos ni Bella ang sinasabi n'ya ng bigla s'yang sinaksak ni Chelsea!
"Bella!"
Sabay-sabay na tawag ng mga kasama namin pero agad kong binunot ang kutsilyo sa paanan ko at inihagis 'yon sa ulo ni Chelsea, dahilan para bumulagta s'ya. Nobody touches my girl.
Agad akong tumakbo papalapit kay Bella hinawakan ang mukha n'ya papatingin sa'kin.
"Ano? Ayos ka lang? Masakit ba? Asaan?" Sunod sunod na tanong ko at tinignan ang saksak n'ya pero nagulat ako ng bigla n'ya akong batukan, kasunod no'n ay narinig namin ang tawanan ng mga kasama namin.
"Bobo ka ba? Alam mong may suot ako eh." Sabi n'ya kaya napatungo ako at napakamot sa ulo ko. Oo nga pala, may suot s'yang bulletproof vest.
"Sorry na nga eh di'ba? Hindi ba pwede mag sorry?" Tanong ko sakan'ya pero pinandilatan n'ya lang ako ng mata bago tumingin kay Tita Cassandra na nakahiga sa lapag.
"Attack....them...." Hinang-hina na sabi n'ya sa mga tauhan n'ya pero ni isa sakanila ay walang gumalaw.
"You're done Cassandra, give up already." She said before pulling out a cigarette but i immediately took it from her mouth before throwing it away.
Inis n'ya naman akong tinignan bago lumapit kay Dad. He's silently watching everything.
"You're going to jail." Sabi n'ya bago tumalikod at ngayon ay nakaharap na s'ya sa'kin. Ngumiti s'ya kaya ngumiti din ako pero nawala din 'yon ng bigla s'yang dumura ng dugo. Napatingin ako sa paligid ko at nakita ko si Cassandra, si Dad at Lucas na pare-parehong may hawak na baril at sa tingin ko ay pinaputukan nila ang parehong pwesto kaya tumagos ang bala.
"B-bella..." Tawag ko sakan'ya at tsaka s'ya sinalo ng bigla s'yang ma-out of balance. Nakarinig ako ng maraming putok ng baril pero hindi ko 'yon pinansin. "Bella ano ba, sumagot ka naman oh." Sabi ko sakan'ya habang hawak ang mukha n'ya. Nakatingin lang kasi s'ya sa'kin.
Iniangat n'ya pa ang kamay n'ya at tsaka pinunasan ang mga luha na kumakawala sa mga mata ko. Hindi ka pwedeng mamatay, ano ba.
"Iho, excuse me." Sabi ni tita Yuki kaya naman tumabi ako at naupo sa gilid ni Bella. Hinawakan ko ang kamay n'ya at pinanood si tita na tanggalin ang hoodie na suot ni Bella.
"Shit, we need to take her downstairs." Tita said before running downstairs so i immediately wiped my tears before carrying her. Bella naman eh.
Pagkababa namin ay agad ding dumating ang ilang doktor at tsaka sila pumasok sa operating room. Agad nila akong pinalabas kaya naman napaupo nalang ako sa bench sa labas ng operating room at nasapo ang mukha ko. Tahimik akong nagdasal na sana ay h'wag pabayaan si Bella. Please, lumaban ka.
BINABASA MO ANG
Meeting The Devil's Son
RomanceSa hindi inaasahang pangyayari, ay pagtatagpuin ang dalawang taong hindi mapagkakasundo. Ngunit malalim pala ang dahilan at punot dulo ng lahat ng 'yon. Hindi lang pala tipikal na babae ang kan'yang makakaharap. Paano kung ang isang bully at tinagu...