Bella's PoV
Lintik talaga 'tong si Von, sinisira ang plano ko! Napakahilig gumawa ng issue.
I know that he is just concerned about me but i know what i am doing, i know how to end this madness.
He treated me as his own sister and i know that he is just worried that because of the eagerness inside of me to kill every last one of them, i will end up killing myself instead because of the possible backfire.
But let's face it, whether i like it or not, wala din naman akong magagawa kasi kung talagang oras ko na ay oras ko na, mamatay ako kung kailan ako planong kunin pabalik ni San Pedro o ni Satanas. At least ay nagawa ko ang lahat ng makakaya ko para protektahan sila, kahit hindi na ako, basta ligtas silang lahat.
Andito ako ngayon sa kwarto ko at nag-aayos. Magsusuot ako ng heels para naman dama nila kapag nakita nila kung sino ako. I actually remembered the first time that i saw Joaquin's dad and Lucas' mother.
[Flashback]
"Bullseye!"
They said as i hit the target board with the dagger from across the room.
This isn't new, we usually hang out like this if we're bored or we have no other plans and today, i am with my men in this bar, just playing around, having fun when my phone suddenly vibrated from my pants.
"Excuse me." I said with a hand gesture before leaving the loud bar.
I didn't bother checking who it was and just answered it immediately.
"What?" I asked assuming it was just one of my informant.
["Gabi na, mainit pa din ulo mo?"]
Nangunot ang noo ko, teka, sino 'to?
Mabilis pa sa alas kwatro na inilayo ko ang telepono ko sa tenga ko at gano'n nalang ang pagtataka ko kasi unknown naman ang nalalagay, hindi naka-register sa cellphone ko. So sino nga 'to?
"Sino ka ba at gabing-gabi na ay nanggagambala ka pa?" Asar na tanong ko pero gano'n nalang ang gulat ko nang biglang may kumulbit sa likod ko kaya agad akong napalingon doon sa pagtataka.
"Anong ginagawa mo dito?"
Bakit andito 'yong kulugong 'to, ala-una na, naggagala pa?
"Eh ikaw, hindi ba dapat eh nasa bahay ka na din? Anong milagro ang ginagawa mo ngayon dito at sa labas pa talaga ng bar? Tsk tsk tsk." Pang a-alaska ni Joaquin kaya inirapan ko s'ya.
Wala ba 'tong kasama?
Sabado kasi ngayon kaya nga wala kaming ginagawa kung hindi ang mag manman lang eh, pati ba naman sabado ko, gagambalain ako ng asong ulol na 'to? Dalawang araw na nga lang ang pahinga ko sa mga pang aasar n'ya eh, pati ba naman 'yon sasakupin pa n'ya? Aish!
Nag palinga-linga ako para sana tignan kung may kasama s'ya pero napatigil din ng bigla s'yang magsalita.
"Wala akong kasama, doon ang condo ko oh." Sabi n'ya habang itinuturo pa ang medyo malapit na condo-hotel. Aba't talaga naman kapag mayaman oh.
"Kailan?" Tanong ko.
Bigla namang nangunot ang noo n'ya sa pagtataka kaya pinigilan ko ang sarili kong matawa. "Huh? Anong kailan?"
"Kailan ko itinanong." Pabalang na sabi ko bago s'ya iniwan doon at naupo sa bench. Ang katapat kasi ng bar na 'yon ay maliit na parke, may mga upuan, mga puno at mga laruang pang bata kagaya ng duyan at padulasan.
BINABASA MO ANG
Meeting The Devil's Son
Storie d'amoreSa hindi inaasahang pangyayari, ay pagtatagpuin ang dalawang taong hindi mapagkakasundo. Ngunit malalim pala ang dahilan at punot dulo ng lahat ng 'yon. Hindi lang pala tipikal na babae ang kan'yang makakaharap. Paano kung ang isang bully at tinagu...