Chapter 37

397 32 0
                                    

Von's PoV

Andito kaming lahat sa security room kung saan tinitignan namin kung saan-saan pa mayroong mga kalaban.

Ang dapat na nandito lang talaga ay si Yuan kasi s'ya ang may alam sa mga ganito. Si Raven naman sa mga bomba at si Jester and sa intels, pero lahat ng 'yan ay kayang gawin ni Bella, ano pa nga ba?

Like i said, Bella is a highly trained woman, i can proudly say that she can be used as a secret weapon because of her skills and intelligence, it's like a chip is installed in her brain, katulad ng napapanood sa movie pero wala, sadyang kapasidad n'ya lang lahat 'yon.

Ang totoo n'yan ay kinausap kami ni Tito, sabi n'ya ay hayaan na daw namin sina Joaquin, Marco at Marcus na tumapos sa mga natitira pa at mag pahinga na kami kaya mula dito ay nakita namin kung pa'nong binaril ni Joaquin ang tatay n'ya, asintado sa gitna ng mga mata nito.

Lahat kami ay nagulat dahil dito, hindi namin inaasahan na papatayin n'ya ang sarili n'yang ama para lang kay Bella.

Well i guess there's no stopping them from there. I know Bella, hindi s'ya 'yung tipo ng tao na padalos-dalos mag desisyon kaya alam kong alam n'ya ang ginagawa n'ya, sadyang ang turing ko lang sakan'ya ay nakababata ko nang kapatid kaya sobra akong nag aalala sakan'ya.

Nakita din namin kung pa'no silang mag punta sa tapat ng hagdan at elevator na sinabi naming madaming aakyat. Being Bella, alam namin na pupuntahan n'ya 'yon kahit na sinabi namin madaming papaakyat, wala namang kinatatakutan 'yan, sa palagay ko ay sadyang hindi lang din s'ya maiwan at mapigil ni Joaquin.

Habang nakatingin sa monitor ay hindi nakaligtas sa mga mata ko kung pa'nong humarap si Joaquin kay Bella para isarado sana ang jacket n'ya. Tsk! Pasimple ka din eh no?!

Ilang segundo lang ang nakalipas ay nag simula silang makipag barilan, umaalingawngaw sa buong building ang mga putok na galing sa mga baril nila, at kita namin kung pa'nong para silang iisang buo kapag magkasama na nakikipaglaban.

"Astiiiig."

"Ang angas naman nila boss."

"Talo ka, Von, may mas magaling na sa'yo hahaha."

"Mga ugok!" Sigaw ko sakanila kaya agad silang nagtawanan.

"Wala na boss, naubos na sila." Sabi ni Yuan ng matapos ang pakikipagbarilan nila at matapos n'ya ding mai-check ang mga cctvs kasabay bg pagdudutdot sa keyboard n'ya.

I've never seen Bella toss a gun in the middle of the fight because she taught us to always be prepared beforehand. It's either you fight barehanded or wait for her to finish what she's handling before she helps you.

Naniningkit ang matang tumingin ako sa pader at iniisip kung anong gagawin ko kay Joaquin na pagpapahirap sa panliligaw na gagawin nyan sa pinsan ko ng biglang--

"AWTS PORN! PASINTABI SA MGA SINGLE OH!"

"MY BYUTIPUL EYES!"

"ARAY KO PO, MESHEKET."

Agad akong napatingin sa screen at halos malaglag ang mga panga ko ng makita kong magkadikit ang labi nilang dalawa! Joaquin! I won't tolerate this!

"Dumadamoves si pareng Joaquin ah." Sabi bigla ni Jester habang nakangisi at vinivideo nila ang nangyayari. Tangina, akala ko ba pahihirapan namin 'yang gunggong na 'yan bakit parang masaya pa sila?!

"Sana all nalang mga tsong." Sabi ni Raven bago sumubo ng chips na nasa gilid.

"Kiss mo nalang ako bebe Ven." Sabi ni Yuan dahilan para magtawanan sila. Tsk!

Meeting The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon