Riki.
lunchtime ngayon at ayaw ko munang mangulit kay luna .. baka ma stress siya , ayaw kong mangyari yon .
sinamahan ko na lamang si kian , siya lang naman kaibigan ko dito kaya wala akong choice . masaya naman siyang kasama so far ..
nandito kami ngayon sa cafeteria ng school , nakapila . ang haba ng pila kasi halos lahat naman yata same time ng dismissal .
" kuya , mauna kana .. di pa naman ako nagugutom " sabi ng babae sa akin .. tiningnan ko naman siya at halatang lumalandi . ayaw ko sa mga ganoong babae .
" ay okay lang miss . nauna ka naman diyan sa pila .. " sagot ko sa kaniya at kinuha nalang ang cellphone ko para maglaro habang naghihintay . kinalabit naman ako ni kian kaya nilingon ko siya . medyo nainis pa ako kasi kakastart ko lang ng game .
" sana pumayag ka nalang . medyo gutom na din naman ako " sabi niya pero tiningnan ko lang siya ng blangko .
" huwag na , nakakahiya naman na uunahan mo pa yung babae " sabi ko at narinig ko pa yung mga babae sa harapan ng tumitili .. sana okay lang sila .
tumahimik nalang si kian at pinagpatuloy ko lang ang paglalaro pero nagsalita ulit ang babae sa harap ko . nasira na yung pila nila dahil sumama narin yung isa pang babae sa harap niya .
" kuya , pwede bang makahingi ng number mo ?" matapang na tanong ng babae kaya tumaas yung kilay ko .
sakto namang biglang nag vibrate yung phone ko kaya tiningnan ko if may notification .. nakita kong nagtext si luna . aba , himala namang magtext siya .
binasa ko ito at ang sabi , may admirer kana ah ? nanghihingi pa ng number .. sana all
lumingon ako para hanapin siya at saktong nakatingin pala siya sa akin mula sa bakanteng mesa .. yung totoo , nagseselos ba siya o ano .
ngumiti ako at tumingin ulit sa mga babae sa unahan ko , naghihintay din sila sakin eh ..
" ay sorry miss hindi pwede eh , may girlfriend na ako " sabi ko kaya napabusangot sila at halatang dismayado . pumila silang muli at hindi na ako pinansin .
nag reply naman ako kay luna , di ko na binigay , baka magselos ka eh <3
pagka send ko nun ay tumingin agad ako sa kaniya . nakita ko namang nagpigil siya ng ngiti at namula .. crush talaga ako nito hindi niya lang ma amin .
nang matapos kaming mag order , umupo kami ni kian sa mesa kung nasaan si luna . nagulat naman siya nung tumabi ako sa kaniya .
" ay beh , yan siguro yung girlfriend niya .. hindi naman masyadong maganda " sabi nung babae sa katabing mesa .. siya din yung kasama nung nanghingi ng number ko .
tiningnan ko si luna at nakasimangot siya ngayon .. kaya umusog ako ng konti at kunware inaakbayan siya pero sa likod lang ng upuan nakapatong yung braso ko . ayaw kong mailang si luna kaya ganoon nalang .
narinig ko namang nagbubulungan yung ibang estudyante .. ang iissue naman ng mga tao dito . ngayon lang ba sila nakakita ng nag P-PDA ?
" ay iba ka riki , dumadamoves .. " biglang banggit ni kian na kanina pa nilalantakan yung pagkain niya . ako nalang yata ang hindi pa nakakain dito ehh .. inuna ko pang lumandi
napatingin naman si luna at napansin ang braso ko kay tumaas yung kanang kilay niya .
" really riki ?!" sabi naman niya kaya kinuha ko yung braso ko at umayos ng pagkakaupo
" sorry hehe " sabi ko nalang sa kaniya at nagsimula nang kumain .
-ˋˏ✄┈┈┈┈