thirty four

119 13 7
                                    

Natapos na ang dinner at nauna nang umalis sa hapag kainan si Riki , at syempre nakabuntot si Ara sa kanya . Tiningnan lamang siya ni Luna habang papalayo . Hindi din sila nagkibuan at napansin yon ng mga kasama nilang kumain .

" Hija , di yata kayo nakapag usap ni Riki , magkagalit ba kayo ?" Tanong ng mom ni Riki kaya napayuko si Luna at napailing nalang .

" Di po tita , nanibago lang siguro kami . Tsaka medyo nahihiya pa po ako kasi nandito si Ara " palusot niya lang pero sa totoo ay , hindi niya lang alam kung papaano siya magfi-first move .

" Hayaan niyo nalang sila ma , halika na Luna , puntahan natin sila " aya ni Ethan kaya tumango nalang si Luna " excuse us for a while .. " dagdag pa ni Ethan bago umalis sa dining table .

Hinanap naman nila ang dalawa pero si Riki nalang ang nadatnan nila sa balcony. Nagpapahangin yata ito at hindi niya kasama si Ara .

" Puntahan mo na .. alam kong miss mo na siya " sabi ni Ethan sabay tulak sa kanya ng mahina .

May pag aalinlangan namang naglakad patungo kay Riki ang dalaga . Kinakabahan siya at hindi mapakali habang papalapit siya dito .

" Umm , Riki .. " mahina niyang bigkas sa pangalan nito pero narinig parin naman ito ng binata kaya napalingon siya .

Nanlaki naman ang mata niya ng bahagya ng makitang si Luna pala ang nasa likod niya . Hinihintay niya lang kasi si Ara na nagbanyo .

" Luna .. uhh , kamusta ?" awkward niyang sagot kaya mas lalong bumigat ang mood sa pagitan nilang dalawa .

" Okay lang , pwede ba akong maupo dito ?" Tanong ni Luna sabay turo sa bakanteng pwesto sa tabi nito .. tumango naman si Riki bilang tugon .

Minutes had passed , pero nanatili silang tahimik . Ninanamnam lang nila ang sandaling muli silang nagkatabi . Honestly , both of them wanted to hug each other , like the old times .. nung nagpapanggap pa sila sa harap ni Ethan . They missed each other's touch .

Nagpasya si Luna na umusog konti papalapit kay Riki at nagulat naman ang binata . Actually , siya dapat ang lalapit kaso naunahan siya ng kaba  .

" Riki .. "

" hmm ?"

" I miss you " sabi ni Luna at napatingin naman sa kanya si Riki . Hindi yon inexpect ni Riki kaya nabigla na naman siya . Pero inisip nalang niya na walang meaning yon at bilang kaibigan lang ang paka miss ng dalaga sa kanya kaya ngumiti siya ng tipid .

" Yeah , me too .. pero walang malisya ah , as a friend lang " pagkasabi non ni Riki ay parang may kung anong kumurot sa puso ni Luna , at ganun din kay Riki . Kapwa nila gustong maging higit pa sila doon pero natakot silang baka hindi na pwede . Kasi akala ni Riki ay close na sila Luna at Ethan na dapat din namang mangyari at akala din ni Luna ay may namamagitan kina Ara at Riki  .

" Riki .. umm "

" Riki! " Tawag naman ni Ara sa kanya kaya hindi na natuloy ni Luna ang sasabihin .

Napatayo naman ang binata dahil sa inis . Una , dahil sinira ni Ara yung moment nila ni Luna at pangalawa , eto na naman siya para kulitin siya .

Ara skipped her way to Riki at hindi niya napansin na may kasama pala ito , or napansin naman niya kaya sinira niya yung moment ng dalawa . Either both , naiinis parin si Riki sa kanya , lalo na si Luna .

" Ay , sorry .. may kasama ka pala . Hi Luna " she cheerfully waved at Luna and she wave back as response .

" Hi " tipid niyang sagot dito at ngumiti ng bahagya . Sa totoo lang ayaw niyang makipag plastic'an pero no choice siya ngayon .

Bigla namang pumasok sa eksena si Ethan .. buti nalang at may resbak si Luna . Naiilang na kasi siya .

" Ayo mga batang yagit . " Bati ni Ethan kaya napa irap ang tatlo sa kanya . Marami naman kasing pwedeng sabihin , bakit yun pa ?

" Kuya .. " banggit ni Luna kaya napatingin ang dalawang binata sa kanya .

" What do you want , mahal na prinsesa ?" Tanong ni Ethan kaya tumaas yung kilay ni Riki .

Really ?

" Kahit kelan talaga kuya ang bansot ng mga pinagsasabi mo . Samahan mo ko kina mom , baka uuwi na kami " sabi ni Luna sa kanya kaya biglang nalungkot si Riki .

Ethan get to call Luna as his princess , at parang nagkakagaanan na talaga sila ng loob in which Riki felt intense jealousy . Kaya imbis na sina Luna at Ethan ang umalis ay nauna pa itong pumasok sa loob ng bahay .

" Luh , anyare dun ?" Takang tanong ni Ethan kaya nagkibit balikat kang ang dalawang dalaga .

" Tanong mo kay google kuya " sagot naman ni Ara bago tumakbo para sundan si Riki .

Si Luna naman ay tiningnan lang na makalayo ang dalawa .. nakita pa niyang inakbayan ni Ara si Riki kahit na yung height difference nila ay medyo malaki ang agwat . Naiingit si Luna dahil ginagawa niya rin yun noon kahit na mas maliit siya kay Riki .

" Selos yarn ?" Biro ni Ethan kaya tiningnan siya nito ng masama .

" Ewan ko sayo kuya " sabi lang nito at nauna nang pumasok sa loob ng bahay .

" Hay nako , mga kabataan talaga . Hindi mo maintindihan yung mood swings " banggit ni Ethan bago niya sinundan si Luna

Balang Araw || Ni-ki Enhypen✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon