Riki.
ang gaan ng pakiramdam ko matapos kong sabihin yon kay luna . pero kung tutuusin , marami pa sana akong gustong sabihin kaso hindi ko nalang tinuloy . may kasalanan din naman kasi ako . if di ako pumayag , di naman ako masasaktan .
ngayon , medyo cleared na yung mind ko dahil di ko na iniisip yung tungkol samin ni luna . nakaka stress din kasi . halos gabi gabi ko nalang iniisip kung paano ako kakalas sa kanya . medyo nakakasakal din kasi .. ang gusto niya lang kasi lagi ang nasusunod .
ang sarap palang maging free ulit . charot , feeling mo naman naging kayo talaga , eh hindi naman .. minsan napaka assuming mo talaga self . kaya lagi kang nasasaktan eh . hayss ..
nagiging third person na minsan yung pov ko . hay nako ..bukas .. aalis na ako , siguro mas mabuting nang umalis ako para malibang ko naman ang sarili ko doon . para lang akong nakipag break kay luna kahit di naman kami kaya dapat akong mag move on dun sa Japan .
grabe sa loob ng three weeks na lagi kong kasama si luna , doon ko lang na realize na ang tanga ko pala .. sana naisip ko na yon noon palang . hindi ko na sana sinayang yung mga taong nagkagusto ako sa kanya .
I'll just make use of this vacation para makalimutan si luna .. maybe I'll just focus on my training doon sa Japan total para din naman sakin to . para pagbalik ko , bagong riki na ang makikita nila . yiee , naeexcite akong isipin yon .
---
kakababa ko lang sa eroplano at sinalubong na agad ako ng company car namin . mas mabuti na rin to para iwas commute ako dito ..
na miss ko ang simoy ng hangin dito sa Japan . siguradong maeenjoy ko ang bakasyon ko dito .
" saan tayo boss , diretso ba sa bahay ninyo o sa opisina na ?" tanong sa akin ng driver .. kilala ko to si manong eh . matagal na siyang driver namin kaya close kaming dalawa .
" gala po muna tayo .. ililibre kita " sagot ko naman sa kanya . after all , deserve naman niyang ilibre . alam kong masipag siya eh .
" hala , nakakahiya naman po sa inyo boss . baka pagalitan ako ni sir kapag nalaman niya ito "
" hindi yan . huwag nalang natin ipaalam .. may pasok paba si ara ngayon ? isama natin siya . miss ko na yung babaeng yun "
" bakasyon na nila boss . tatawagan ko para sabihan siya " sabi naman ni manong
" huwag na po , isurprise nalang po natin siya .. daan tayo sa bahay ninyo " suggestion ko sa kanya at napangiti siya .
si ara lang yung kaibigan kong masasabing kong totoo sakin . kasi halos lahat nung iba eh peke.. kinaibigan lang ako dahil may pera kami . kaya kahit na iwanan ako ng lahat , alam kong mananatili parin si ara .
dumaan kami sa bahay nila ara .. ganun padin naman bahay nila , walang pinagbago . kahit hindi gaanong malaki eh mararamdaman mo namang napaka warm and welcoming nito .
" tao po , delivery po " sabi ko naman .. mahilig tong mag online shopping eh .
biglang namang may padabog na lumapit sa may gate para buksan ito .
" wala akong matandaang inorder- hala gago , riki ?" pasigaw niyang sabi nang makita ako .
natawa naman ako sa itsura niya . gulo-gulo pa buhok niya pero nakatali naman ito paitaas , naka oversized t-shirt siya tsaka sweat pants . typical na ara talaga .. dugyutin .
I opened my arms to welcome her into a hug pero nagulat ako nang tumalon siya sakin .. tangina wala akong nagawa kundi buhatin nalang siya kahit medyo mabigat .
" grabe ,miss mo na ako nyan ?" I teased her .. kahit na alam kong namiss niya talaga ako . di na ako nakaka contact sa kanya ng madalas eh .
hinampas naman niya ako sa likod , masakit , oo pero ganun talaga siya . sanay na ako .
" ayan , damhin mo kung gaano kita ka miss na walang hiya ka . bakit hindi ka nagcha-chat man lang . nakakatampo ka naman " sabi niya habang patuloy sa pagyakap sakin .. parang sinasakal na niya ako eh
" teka lang , papatayin mo ba ako ? kumalma ka , busy lang ako hehe pero ambigat mo " sagot ko sa kanya at inamoy siya . ang bango niya kasi .. itsura niya lang pala yung dugyutin
unti unti naman siyang kumalas mula sakin kaya nakahinga ako ng maluwag
" oo na , ikaw na busy pero di ako mabigat noh "
" sige , kunyare naniniwala ako eh kaka-karga ko lang sayo "
tumikhim naman ang papa niya .. ay nandyan pala siya .
" anak , magbihis ka . lalabas tayo " sabi nito kaya patalon talon na pumasok sa loob si ara . alam na niya na kaming tatlo ang gagala . ganyan siya ka advance mag isip . kaya nga madali kaming naging close eh , we have the same brain cells .
-ˋˏ✄┈┈┈┈