" luna ! " rinig ni luna ang sigaw ng isang lalaki sa hindi kalayuan .
may pasok na bukas at nagba-bike siya ngayon sa mini park ng subdivision nila para malibang kahit papano . narinig niyang may tumatawag sa kanya kaya napahinto siya sa pagpe-pedal . nilingon niya ito at laking gulat niya nang makita si ethan na nagba-bike din .
" kuya .. " bati niya dito habang papalapit ito sa kanya .
" tagal nating di nagkita ah ? nag out of town ba kayo ? "
" di kuya , tinatamad lang akong lumabas . " she explained .. it's true anyways
" weh ? dati lang , lagi kang nasa bahay araw araw tas gala kayo ng gala ni riki .. "
" dati yun kuya . noong nandito pa siya " sabi lang nito pro pabulong ang huli pero narining parin ni ethan
" yiiee , miss mo na siya noh ?" biro nito kay luna habang hawak-hawak ang bike niya . naglalakad nalang sila ngayon para maayos na makapag usap .
" who misses who , kuya ? " maang maangan pa niya tanong kahit na obvious namang nami-miss na niya si riki . alam ni ethan na laging tumatawag si luna sa kanila at nagtatanong about kay riki . pero di lang nila pinapaalam sa mga magulang niya dahil ang alam ng lahat eh naka arranged marriage na sila ni luna .
" alam mo luna , kahit anong iwas mo , halata ko namang may gusto ka sa kapatid ko . matagal ko nang alam na hindi na ako ang gusto mo , obvious naman sa mga kilos mo .. sa mga tingin mo sa kanya . kung gaano ka kasaya kapag kasama mo siya . hindi mape-peke ang nararamdaman luna , alam ko yung plano ninyo noong una palang at sa tingin ko , hindi iyon naging successful . instead , you catched feelings for him . "
"kuya .. " she tried to explain her side pero nagpatuloy pa si ethan sa pagsasalita
" luna , hitting on me is the dumbest thing you ever did . simula't sapul , kapatid lang talaga ang tingin ko sayo . riki , my brother had feelings for you ever since but you can't see it . you're blinded . but as I observed you both , I could tell that you both look good together . screw papa and tito for their damn fixed marriage agenda . I'm not marrying you for the sole reason that I don't love you . how can I marry my sister ?" he sighed after .. remembering the marriage frustrates him . the whole plan is just so dumb .
" grabe naman yun kuya .. you just indirectly rejected me . but for the record , I'll tell you . I don't have a crush on you anymore "
" yeah , because of riki .. I know , and I'm happy " sabi ni ethan at tumawa pa pagkatapos . natatawa siyang isipin yung mga gabing tumatawag si riki sa kanya para sabihing gusto niyang mag move on kay luna pero hindi niya magawa .
" ihhh , kuya naman eh .. hindi naman sa ganun "
" huwag mo nang ideny luna .. magiging masaya si riki kapag nalaman niya to "
" eh ? bakit naman ? iniwan nga niya ako "
" anong iniwan ? parang isang buwan lang naman yung training niya sa Japan ah . at isa pa , uuwi na siya ngayon araw . maybe now , he arrived at home "
" training ? uuwi siya ? "
" ay si luna , paulit ulit .. oo nga ! kung ako sayo , pumunta ka mamayang gabi . dun ka mag dinner para magkita na kayo "
" ha? ayoko nga ! nahihiya ako tsaka galit ako sa kanya .. di man lang nagpaalam tss "
tumawa lang ng mahina si ethan pero sa ayaw at gusto ni luna , pupunta parin siya mamayang gabi kasi pipilitin niya ang mga magulang niya na imbitahan ang pamilya ni luna para mag dinner at para na din magkita ang dalawa .
" oh , nandito na ang sasakyan .. sila na siguro yan ! tara " pag aya ni ethan kay luna pero sumakay lang ito sa bike niya at nag umpisang magpedal para makalayo na sa kanya .
" hoy saan ka pupunta ?" tanong ni ethan nang makita ang ginagawa niya
" uuwi na kuya .. sige , kitakits nalang sa susunod " pagpapaalam ni luna at mabilis na lumayo sa kanya . ayaw niyang magpakita kay riki ngayon lalo na at naiinis pa din siya dito .
napabuntong hininga nalang si ethan at nagpedal na din papunta sa bahay nilang malapit na sa pwesto nila kanina .
however , riki saw ethan and luna talking not that far from their gate .. nakaramdam siya ng sakit sa pag aakalang nagkakamabutihan na ang dalawa habang wala siya , na dapat naman talagang mangyari kasi sila ang itinadhana . talagang wala na siyang pag asa , sa isip niya .
-ˋˏ✄┈┈┈┈