" Hoy Riki , kaninong motor yan ? " Tanong ni Luna nang makita si Riki na nakasandal sa itim na motor . Mukhang bago pa ito base sa itsura nito . Nagtataka siya kasi hindi naman niya nakitang nagmo-motor ito .
" Sakin syempre . Bagong bili to " Preskong sagot nito sa kanya .
Tiningnan lang siya ni Luna na para bang hindi ito nai-impressed sa sinabi niya .
" Marunong kaba ?Hindi ka naman nagmo-motor . Hindi kita nakitang gumamit niyan . "
" Marunong ako noh . Nag take up ako ng short term driving course dun sa Japan tsaka tinuruan din ako ng papa ni Ara " pagtatanggol niya sa sarili niya . Hindi alam ni Luna if maniniwala siya o hindi . Wala kasi siyang alam sa mga nangyari sa kababata niya doon .
" Okay ?? So , bakit mo dala yan ? "
" Long ride tayo. " Suggestion ni Riki sa kanya . Halata pa na excited ito sa lapad ng ngiti niya .
Para namang matutunaw si Luna sa ngiti ni Riki . Pinipigilan niya lang na wag ding ngumiti . Nakakahawa kasi yung ngiti ni Riki . Pero mawawala angas niya kapag bumigay agad siya dito .
" Long ride mo mama mo . Ayoko , baka hindi pa tayo nakalabas sa subdivision , naaksidente na tayo . Mahal ko pa buhay ko , Riki "
" Okay lang yan , ako din naman , mahal din kita . " Natawa pa siya habang si Luna naman ay nakatingin lang sa kanya " charot lang .. " dagdag pa nito kaya inirapan lg siya ni Luna . Akala niya kasi seryoso na si Riki . Pero sa totoo lang , seryoso naman talaga siya sa sinabi niya .
" Ewan ko sayo Riki "
Papasok na sana sa gate si Luna nang umayos ng tayo si Riki at kinuha ang isa pang helmet na nakasabit sa motor niya .
" Dali na kasi . Ang arte nito . Pinagpaalam na kita sa parents mo kaya tara na " sabi ni Riki habang lumalapit sa kanya para isuot yung helmet . Iiwas pa sana siya kaso nahawakan na siya sa braso ni Riki .
Hinayaan nalang niya si Riki na isinusuot sa kanya ang helmet . Palihim na ngumiti siya pero nakikita parin yon ng binata . Tinititigan kasi siya ni Riki . Kitang kita ang pagpipigil niya ng ngiti .
" Kilig ka naman .. " Riki teased , pero hinampas lang siya ni Luna sa braso . Napailing lang siya dahil malakas ang pagkakahampas nito sa kanya .
" Di ako kinikilig . Natatawa ako kasi pinipilit mong magpaka-gentleman kahit na hindi bagay sayo . " Pagpapalusot pa ni Luna
" Sus .. deny kapa . Okay lang yan Luna . Alam ko naman na crush mo ko . Nahihiya ka lang na sabihin . "
" Crush nga kita-" bigla naman siyang napahinto . Nasabi lang naman niya ng malakas yung dapat ay sa isip niya lang . Nakakahiya .
Nagulat naman si Riki sa narinig . Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Luna . Did he really heard those ? Or pinaglalaruan lang siya ng pandinig niya . Baka guni-guni niya lang yun .
" Anong sabi mo ?" Tanong ni Riki para ipaulit kasi para sigurado
" Wala akong sinabi Riki . Guni-guni mo lang yon .. tara na , diba aalis tayo ?!"
Napabuntong hininga lang si Riki saka sumakay na sa motor niya . Sumunod naman si Luna sa kanya at naka-angkas na din .
Bigla namang kinuha ni Riki ang mga kamay niya at nilagay sa sarili niyang beywang . Parang kinakabahan na ewan si Luna habang hinahawakan ni Riki ang kamay niya .
" Hoy , bakit mo nilalagay sa beywang mo kamay ko?"
" Tanga , dyan ka kasi hahawak , para hindi ka mahulog . " Sabat lang ni Riki na parang natatawa pa .
Medyo napahiya si Luna dahil doon kasi naman , alam naman niya kung para saan yon pero tinanong parin niya .
Pinaandar bigla ni Riki ang motor niya kaya nagulat si Luna at napakapit ng mahigpit sa hoodi na soot niya .
" Sigurado kabang diyan ka lang hahawak ? " Tanong ni Riki at tumango lang si Luna . Napangiti naman si Riki at naisipang bilisan ang pagda-drive .
Napayakap naman si Luna sa kanya sa takot na baka mahulog siya o madisgrasya silang dalawa . Nakapikit lang ang mga mata niya habang nagtatago sa likod ni Riki .
" Gago ka talaga Riki . Bakit mo binibilisan ? Baka maaksidente tayo ! " Bakas sa boses niya ang kaba at takot .
" Sinadya ko talaga yon para yumakap ka sakin " he said then chuckled . Nag eenjoy siya sa reaction ni Luna .
Hinampas naman siya ni Luna sa likod dahil sa inis .
" Aray ko ! Kanina kapa nanghahampas ah "
" Deserved . "
Binagalan na ni Riki ang pagpapatakbo sa motor niya pero nakayakap parin si Luna sa kanya . Nakasandal padin ang ulo niya sa likod ni Riki kaya malapad na naman ang ngiti ng loko .
Masaya siya dahil bumalik silang dalawa sa dati matapos ang pag uusap nila nung nakaraan . Kinalimutan nalang nila ang mga hindi magandang nangyari sa nakaraan at nag focus sa kung ano ang meron sila ngayon . Friendship .