seventeen

133 16 0
                                    

Riki.

ngayong araw na yung pinakahihintay ni luna , alam ko yun .. sino bang hindi excited sa debut niya , diba ? dito lang sa garden nila ginanap ang party kasi malawak naman at hindi naman uulan .

kakarating ko lang kasama sina mama at papa . si kuya ayun , as usual ay late na naman . dadaanan pa daw niya sina kiya jay at jake kasi kabilang din sila sa eighteen roses .

trip ko sanang maglibot sa venue kasi matagal na din akong di nakapunta dito .. palagi kasing sila yung pumupunta sa bahay kaya walang chance na makagala ako dito . kaso bigla nalang akong kinalabit ni kian na kakadating lang din .

" riki , samahan mo ko " sabi niya tas parang may tinataguan

" bakit ? saan ba ?"

" basta malayo kay kelly .. sunod nang sunod sa akin , naaalibadbaran ako " sagot niya tas nakanguso na itinuro yung kaklase namin . crush niya siguro si kian kaya ganun . ngumisi lang ako at tiningnan siya .

" crush ka siguro niyan .. ayaw mo ba sa kaniya ? maganda naman siya "

" ayoko " tipid niyang sagot kaya tumawa nalang ako at nagsimulang maglakad . sumunod naman siya , alam kong ayaw niya talaga kay kelly .

pumunta nalang kami sa loob ng bahay nina luna .. allowed naman ako na pumasok kasi kilala naman ako dito .

" manang , nasaan po ba si luna ?" tanong ko sa kasambahay nila .. gusto kong makita si luna .

" nag aayos pa siya yata sir .. pero nasa room niya po siya ngayon "

at dahil kabisado ko naman kung nasaan yon ay nagkusa nalang ako na pumunta doon at sinundan lang ako ni kian . si kian naman ay tahimik lang dahil ngayon lang siya nakapasok dito .

pagkadating namin sa kwarto ni luna ay pumasok kami agad kasi bukas naman iyon at may iba ding tao .. yung mga nag aayos sa kaniya . nabigla naman siya nang makita kaming pumasok .

" hoy , bakit kayo nandito ? di pako tapos mag ayos " sabi niya .. mine-make up'an siya ngayon at nakabihis na kaya okay lang naman siguro na tumambay kami dito

" boring dun sa labas .. " sabi ko naman at tumango din si kian bilang pagsang ayon

" ay di ba kayo makapaghintay dun ? malapit naman na akong matapos dito .. labas na kayo , nakakailang na nandito kayo "

" yabang .. porket birthday mo eh ipagtatabuyan mo na kami . mali yon luna ." sabi ko lang bago kinuha ang upuan ang ipinuwesto ito malapit sa kaniya para kitang kita ko yung mukha niya .

hindi maikakailang sobrang ganda niya ngayon dahil sa make up niya pero mas prefer ko yung bare faced luna . gusto kong simple lang yung mukha niya .

" ay alam nyo palang birthday ko , di niyo man lang ako binati .mali din yon , ano , makikikain lang kayo , ganun ?" tugon niya kaya natawa naman si kian . tama din naman siya

" happy birthday luna !" biglang bati ni kian sa kaniya kaya ngumiti naman si luna at nagpasalamat . tumingin agad siya sakin na halatang nag aabang na batiin ko din siya .

" HBD " biro ko sa kaniya . ang totoo ay mamaya pa sana ako babati sa kaniya ,kapag isasayaw ko na siya para mas special .

" ang tipid mong bumati tas baka ikaw din yung mauunang kumain mamaya " sabi niya .. tumawa lang ako .

" andyan naba si kuya ethan ?" tanong pa niya kaya naiba bigla yung mood ko ..

" wala pa siya . dadaanan pa daw sina kuya jay at jake .. "

ngumiti lang siya bilang tugon sa sinabi ko .. kinikilig na naman siya , lalo pa at si kuya ang escort niya buong gabe .

bigla naman kaming pinalabas na sa room ni luna ng mama niya kasi daw magsa-start na ang party at kailangan naming mag assemble sa labas kaya naiwan na namin si luna na kakatapos lang make up'an .. ang ganda niya sobra at kung pwede lang na agawin ko yung role ni kuya ngayong gabe ay gagawin ko . kaso ayoko namang maging selfish . si kuya ang gusto ni luna na makasama kaya wala na akong magagawa don .. magpapaubaya nalang ako kahit hindi ako si moira .




-ˋˏ✄┈┈┈┈

Balang Araw || Ni-ki Enhypen✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon