Riki.
" hello mga panget ! " bati ni kuya sa amin ni luna at eto namang babae nato , makangiti , grabe . masaya siyang sabihan ni kuya ng panget lol ..
pero bago pa siya makasagot kay kuya eh inakbayan ko siya kaya napa awang ang bibig niya . parang tide lang , nagulat siya eh
" ay iba yan riki ha , may paakbay .. binata kana talaga tol " tinapik pa ni kuya ang balikat ko bago kami lampasan at magtungo sa kusina .
inalis naman ni luna agad ang braso ko sa balikat niya .
" ano yon riki ? bakit moko inakbayan? "
" ay diba may plan tayo ? ginagawa ko lang ang part ko .. "
yung galit na expression niya kanina ay biglang nawala .. hala , bipolar yata to .
" oo nga pala , pero wag ka namang nanggugulat . di pako ready , nambibigla ka " sabi lang niya , so ano , kailangan ko pa bang mag ask for permission sa kanya bago ko gawin yon ?
" so I'll ask permission paba before ako humawak sayo ? ang hassle naman yata nun .. "
" hindi naman sa ganon , hindi lang ako sanay .. "
" pwes masanay kana ngayon kasi medyo clingy ako "
" ewan ko sayo , basta gawin mo nalang yung part mo pero wag naman i-exaggerate . baka mahalata tayo .kasi bigla nalang tayong naging close " explain pa niya .. sabihin niya , ayaw niya lang sa skinship .
nauna naman siyang pumunta sa kusina . parang bahay niya lang ah ?
" hoy , saan ka pupunta ?" tanong ko sa kaniya pero di na niya ako hinarap
" sa kusina , kakain "
" sa pagkakaalam ko , bahay namin to at hindi ko maalalang ininvite kitang mag almusal "
" hindi ko naman inangkin bahay nyo . di pa ko nakapag breakfast kaya gutom ako . "
sabi niya lang kaya hinayaan ko nalang siya .. marami namang pagkain kaya okay lang na makikain siya dito .
pagdating ko sa mesa eh paupo na siya sa tabi ni kuya . pinandilatan ko naman siya at nagets din naman niya kaya nag transfer siya ng upuan . sa harap na siya ngayon ni kuya . kaya dun na din ako tumabi sa kanya .
" wag kang mahiyang kumain Luna ah ? baka sabihin nila tita , ginugutom ka namin dito " sabi ko habang nilalagyan ng kanin ang plato niya . nakita ko namang nakatingin si kuya samin .
si luna naman ay nakatingin sakin pero diko nalang pinansin kasi alam ko namang gwapo ako kaya siya nakatingin ngayon .
" ito , kainin mo to .. kumuha ka kapag naubos mo , marami pa nito " banggit ko at naglagay ng ulam sa plato niya . nagsimula naman siyang kumain kaya naglagay na din ako sa plato ko ng kakainin ko . alangan namang siya lang kakain .
bigla naman siyang napaubo , nabulunan yata sa kinain niya kaya dali dali akong kumuha ng tubig at pinainom sa kanya . hinagod ko din ang likod niya ..
" ay grabe naman yan , todo alaga " komento ni kuya kaya napatingin kami ni luna sa kanya .
" ikaw nalang kaya dito kuya " sagot ko sa kanya pero nag smirk lang sya
" kaya mo na yan , malaki kana " sabi niya bago nagpatuloy sa pagkain .
bigla nalang akong kinurot ni luna sa tuhod na naging dahilan ng pag igtad ko pero umayos din naman ako sa pag upo . tiningnan ko siya at nakangiti siya ngayon at halatang masaya .
she even mouthed , ' mukhang nagseselos na siya ' ..
kaya itinuro ko si kuya ethan at tumango din naman si luna .. nagselos ba yon ? parang hindi naman .. hala , kung ano ano na nakikita ni luna . delikado na yata to .
nagkibit balikat lang ako kasi alam kong di naman ngselos si kuya pero ayaw ko naman iburst yung bubbles ni luna kasi yon yung pinaniniwalaan niya . ang kj ko naman if kokontrahin ko pa .
-ˋˏ✄┈┈┈┈